Gabby Eigenmann natupad ang pangarap sa ‘Start-up PH’: Fan talaga ako ni Bea, dati ko pa siya gustong makatrabaho
ISA si Gabby Eigenmann sa mga natuwa at na-excite nang malaman niyang magiging Kapuso na ang award-winning actress na si Bea Alonzo.
Aminado ang aktor na noon pa niya idol at hinahangaan ang dating Kapamilya actress pati na rin ang ka-loveteam nito na si John Lloyd Cruz na nasa GMA na rin ngayon.
Kaya naman isang dream come true para kay Gabby ang makatrabaho si Bea sa bagong primetime series ng GMA 7 na “Start-Up PH” kung saan bibida rin sina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
View this post on Instagram
Sa ginanap na presscon ng “Start-Up PH” kamakailan, nabanggit ng aktor na sana’y tuluyan na ngang matapos ang network war para mas magkaroon ng maraming pagkakataon ang mga artista na makasama at makatrabaho ang mga contract artists sa ibang istasyon.
Tulad na nga lang ng ibinigay na chance sa kanya at iba pang Kapuso stars na makasama si Bea sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na “Start-Up PH”. Gabby will play as the stepfather of Yasmien Kurdi’s character in the series.
“I’m so overwhelmed, I’m so happy, ecstatic, kasi fan ako nina Bea and John Lloyd, ‘hidden’ fan ako. Na-imagine ko, sana maka-work ko si Bea.
“Natutuwa ako, hindi mo ma-imagine na kailan ko kaya makakatrabaho ang mga taga-kabilang istasyon unless tatawid ako o sila yung tatawid, e, tumawid.
“So, ang opportunity ko is I have to welcome, sa mga lumilipat, we have to welcome them. We have to make them feel at home dahil bagong lipat.
“Ipinaramdam ko naman kay Bea yun and make her feel na, ‘O ha!’ O ha, dito ka rin pala,” birong sabi ni Gabby.
Natatawa pa niyang kuwento, “Hindi naman ganoon. Lagi akong dumadalaw sa dressing room niya, ‘Hi, hello, kumusta ka naman dito?’
“Natutuwa ako kasi may nagtanong sa akin before na isang press, ‘Hindi ka ba nai-intimidate, ang dami nang lumilipat sa GMA?’
“Sabi ko, why would you be intimidated? Hindi ko naman puwedeng sabihin na bahay ko ito, bakit ako mai-intimidate?
“We always welcome people coming in. We welcome mga bagong lipat mula sa kabilang istasyon because we want to learn, we want to experience kumusta ang trabaho nila doon?
“Natuwa kami. Maliit lang ang mundo ng showbiz, so tapusin na natin ‘yang network wars na ‘yan,” lahad ni Gabby.
Napanood na ni Gabby ang original version ng “Start-Up” at naisip niya that time sana’y makasali siya sa cast kapag nagkaroon ito ng Philippine adaptation.
“When I watched Start-Up, iniisip ko kung gagawin ito dito, may opportunity kaya na makasali ako. Pero ganoon lang ang trato ko sa mundo ko.
“And then, finally, nung ma-announce na may Philippine adaptation ng Start-Up, I was, like, ‘Naku, sino kaya? Ano kayang character if ever?'” aniya pa.
Bukod sa nasabing serye, kabilang din siya sa Pinoy version ng “Voltes V” na ipalalabas na sa GMA sa 2023, “I never really imagined, umuuwi ako sa bahay after midnight, ginagawa ko ang Voltes V at saka Start-Up, biggest shows ng GMA. Iba!
“Parang, ‘Lord, thank you so much for all these blessings and thank you for keeping my feet on the ground.’
“Nararamdaman ko nung nagte-taping ako, thank you at nabubuo na yung bahay ko. Pero yung opportunity to be working with this cast, iba yung feeling talaga,” sey pa ng aktor.
https://bandera.inquirer.net/320234/negosyo-tips-ni-alden-huwag-masyadong-maging-emosyonal-kapag-nagdedesisyon-dahil
https://bandera.inquirer.net/324833/bea-maraming-natutunan-kay-alden-habang-nagtatrabaho-pwede-ka-ring-mag-enjoy-while-working
https://bandera.inquirer.net/319850/alden-na-challenge-sa-pagganap-bilang-good-boy-sa-start-up-ph-nakaka-enjoy-din-pala-maging-masungit
https://bandera.inquirer.net/316804/alden-mas-nag-effort-bilang-leading-man-ni-bea-sa-start-up-ph-kailangang-lumebel-kay-kim-seon-ho
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.