Pinay kinoronahang Miss Progress Human Rights sa Italya
IPINAGPATULOY ni Beatrice “Zea” Awatin ang magandang performance ng Pilipinas sa Italy-based na Miss Progress International pageant nang masungkit niya ang korona bilang Miss Progress Human Rights sa coronation program sa Messapia Hotel and Resort sa Santa Maria di Leuca, Italya, noong Set.. 17 (Set. 18 sa Maynila)
Mula noong 2017 nang masungkit ni Jedaver Opingo ang pangunahimg titulong Miss Progress International, ang unang Pilipinang nakagawa nito, nag-uwi na ng mga korona ang mga pambato ng Pilipinas.
Hinirang na Miss Progress Environment si Sarah Bona noong 2018, habang noong 2019 naman ay nasungkit ni Sarah Margarette Joson ang titulong Miss Progress Human Rights title, na siya ring nakuha ni Awatin ngayong taon.
Walang isinagawang patimpalak noong 2020 at 2021 dahil sa pandemyang bunga ng COVID-19.
Para sa patimpalak ngayong taon, isinalin ni 2019 Miss Progress International Vanessa Lopez Giraldo ng Colombia ang titulo niya sa host delegate na si Francesca Speranza. Tinanggap din ng Italyanang reyna ang korona bilang Miss Progress Environment.
Utinanghal naman si Andrea Pineda ng Colombia bilang Miss Progress Health, habang Miss Progress Cultural Integration si Gabriella Alejandre ng Puerto Rico.
“Be the change that you want to be” ang tagline ng Miss Progress Internationam pageant, at umaasang ipakitang “there is a way to let different cultures peacefully coexist sharing the same goals,” nakasaad sa website nito.
Dalawampu’t pitong kandidata ang nagtagisan sa taong ito, ang ikawalong edisyo Twenty-seven international delegates participated in this year’s pageant, the global tilt’s eighth edition.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.