Cristy Fermin pinayuhan si Heart Evangelista: Itigil ang pagbibigay ng senyales | Bandera

Cristy Fermin pinayuhan si Heart Evangelista: Itigil ang pagbibigay ng senyales

Therese Arceo - September 16, 2022 - 09:07 PM

Cristy Fermin pinayuhan si Heart Evangelista: Itigil ang pagbibigay ng senyales
NAGBIGAY ng payo ang kolumnistang si Cristy Fermin sa actress, vlogger, at entrepreneur na si Heart Evangelista patungkol sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero.

Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Morly Alinio, muli na naman nilang napag-usapan ang dalawa.

Naungkat pa nga nina ‘Nay Cristy ang mga pangyayari noon kung saan nagpa-presscon pa ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco dahil tutol ito sa relasyon ng dalawa at hindi nila umabo gusto ang senador.

Ngunit tila nagbago na ang lahat at nagkaayos na ang lahat sa pagitan ng mga magulang ni Heart at ng senador sa paglipas ng mga taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Nabanggit rin nila ‘Nay Cristy ang naging pahayag ng ina ng aktres kamakailan nang makapanayam ito ukol sa kung ano ang tunay na pinagdaraanan ng mag-asawa.

Matatandaang kahit si Mrs. Ongpauco ay walang alam sa kung ano ang pinagdaraanan ng dalawa ngunit ipinagdarasal niya at naniniwala siyang malalagpasan ito ng mag-asawa.

Sey ni ‘Nay Cristy, napakarami na nga raw na lumabas na chika patungkol sa dalawa na wala namang kumpirmasyon gaya ng pagkwestiyon sa kasarian ni Sen. Chiz at tila nakabuntis raw ito ng iba.

Pero sa kabila nito ay sinabi niya na hindi raw maganda ang pagbibigay ng maliliit na detalye ng aktres ukol sa kung anumang pinagdaraanan nilang mag-asawa.

“Pero sana, pakiusap ng ating mgakababayan, itigil na rin ni Heart ang pagbibigay ng lead, pagbibigay ideya na meron talaga silang problema tulad ng pag-iyak, pagpe-painting…” saad ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa ng kasama niyang si Morly, hindi naman daw maiaalis sa aktres kung maiyak ito at gawin ang gusto n’yang gawin ngunit sana raw ay manahimik muna ito at huwag gumawa ng sign na baka hiwalay na sila.

Napuri pa nga ni ‘Nay Cristy si Sen. Chiz dahil sa kabila ng mga lumalabas na isyu ay nananatili itong tahimik.

“Kapag hindi ka nagbigay ng senyales na may nagaganap, makikita mo. It will die a natural death, mawawala ‘yan,” giit pa ng kolumnista.

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, “Kapag walang pain na isinasawsaw sa tubig, walang kakagatin ang mga isda. Kaya itigil ang pagbibigay ng senyales.”

Related Chika:
Cristy Fermin hiniling na huwag silang pag-awayin ni Lolit Solis: Hindi kami mga manok panabong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending