#WowMali: Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP Diliman | Bandera

#WowMali: Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP Diliman

Ervin Santiago |September 05,2022
facebook
share this

#WowMali: Kara David napagkamalang si Jessica Soho habang tumatakbo sa UP Diliman

Ervin Santiago - September 05, 2022 - 06:55 AM

Kara David tinawag na Jessica Soho ni Manong

Jessica Soho at Kara David

NAPAGKAMALANG si Jessica Soho ng isang lalaking nakasakay sa motor ang Kapuso TV host at news anchor na si Kara David.

Nangyari ito habang nagdya-jogging si Kara sa academic oval ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City kamakailan.

Kuwento ng host ng programang “Pinas Sarap” sa GTV at bagong chairperson ng UP Diliman Department of Journalism, habang tumatakbo nga siya ay may narinig siyang sumisigaw ng “Jessica!”

Ang tinutukoy nga ng lalaki ay ang Kapuso broadcast journalist at host ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” na si Jessica Soho.

View this post on Instagram

A post shared by Kara David (@iamkaradavid)


Ibinahagi ni Kara ang nakakaaliw na kuwentong ito sa kanyang Facebook account nitong nagdaang September 1. Makikita sa litrato ang TV host kasama ang lalaking tumawag sa kanya ng “Jessica.”

Sabi niya sa caption, “Habang tumatakbo sa UP Campus, may narinig akong humahabol sa akin at sumisigaw ‘Jessica! Idol! Jessica!'”

Patuloy ni Kara David, “Tumigil ako, ‘hindi po ako si Jessica’ (pero secretly, kinilig ako kasi idol ko rin si Maam Jessica).”

Dito na na-realize ng lalaki na iba pala si Jessica at si Kara, “Sabay sabi ni manong: ‘Ay sorry Kara David pala!'”

“‘Ikaw yung host ng mga pagkain. Lagi kang kumakain sa TV.

“‘Tama yan maam, jogging ka pa para di ka tumaba. Kain ka kasi nang kain!'” ang sabi pa raw ni Manong kay Kara.

Matapos daw ang chikahan nila ni Manong, “Ayun! Napatakbo tuloy ako ng 15km today dahil kay manong.”

Narito naman ang ilang comments ng netizens sa FB status ni Kara David.

“Grabe namang man-realtalk ni kuya. Hahahaha!”

“Hahaha! Lakas ng tawa ko ke Kuya. Nakaka relate ako.”

“Dami ko tawa Mam Kara aaah! pero sobrang loves ko po kayong dalawang panoorin ni Mam Jessica Soho!!! Godbless you both.”

“Hahaha naloka ko kay Manong!”

“Sana may magsabi din sakin na tumataba ako para magsipag ako mag exercise. eto dapat ang mantra ng mga celebs, always be nice and wag ate chona or mag attitude. kasi the people whom you met are those peeps whom you touched their lives one way or another. sabi nga ni sir atom, kahit isang tao lang ang may impact!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Miss kara is one of the nicest and pretty celebs ive known. tagal na namin mag fb friends. i met miss kara and sir lm bavk then in the christmas village in mandaluyong. Love you miss kara! akways take good care po.”

Kara David proud na proud sa anak na ga-graduate ng kolehiyo

Lovi, Benjamin feeling winner dahil kay Kara; Carla may bonggang pasabog

Kara David ibinandera ang pagtatapos ng anak bilang magna cum laude

GMA Network umalma sa ‘biased’ remark ng kampo ni Marcos laban kay Jessica Soho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending