Pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda, Ivana Alawi at Cathy Garcia sa MMFF 2022 tuloy na tuloy na Bandera

Pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda, Ivana Alawi at Cathy Garcia sa MMFF 2022 tuloy na tuloy na

Ervin Santiago |August 31,2022
share this

Pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda, Ivana Alawi at Cathy Garcia sa MMFF 2022 tuloy na tuloy na

Ervin Santiago - August 31, 2022 - 07:53 PM

Pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda, Ivana Alawi at Cathy Garcia sa MMFF 2022 tuloy na tuloy na
TULOY na tuloy na ang pagbabalik sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na December ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

Sanib-pwersa uli ang ABS-CBN at Viva Films para sa official entry nila sa MMFF 2022, ang “Partners In Crime” kung saan makakasama ni Vice ang Kapamilya sexy star at sikat na vlogger na si Ivana Alawi.

Ang “Partners In Crime” ay ididirek ng blockbuster director na si Cathy Garcia Molina na looking forward na raw sa pagsasama nila ni Vice for the first time.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“Excited ako first time lahat. First time nandu’n excitement at the same time ‘di naman takot, alinlangan siguro, kasi hindi ko alam paano mag-work,” pahayag ni Direk Cathy sa panayam ng CinemaOne.
Sey pa ni Direk, “Vice has been open to me na ‘Direk we are one team magtulungan tayo to give the audience the best movie.'”
Sey pa ni Direk, “Exciting kasi mas kilala ako sa love story, si Vice comedy. So paano kami gagawa ng may loves tory and at the same time makakapag patawa at makakapag-entertain.

“Kasi, at the end of the day MMFF, all year long dream natin makapagpasaya especially MMFF and Christmas time,” aniya pa.
Nakapag-usap na rin daw sila ni Vice kamakailan nang magkita sa isang event, “Request ni Vice to meet me and my staff para mag discuss ng intentions.

“I brought my staff-my family na makakasama niya na lagi ko mga kasama. Ganu’n di si Vice magiging parte ng family.

“Kumbaga getting to know each other. I like the idea kasi pangit sa first day lang magkita-kita, ‘di ba?” sabi pa ni Direk Cathy.

“It was fun. Movie-filled talks about love and friendship. Sinimulan na namin dapat kaming magkakaibigan para magtranslate sa film,” sabi pa ng direktor sa pag-uusap nila ni Vice.

Ngayon pa lang daw ay marami na ang nagsasabi na siguradong magna-number one sa filmfest ang kanilang entry.

“Ipokritang sabihin na ‘di namin gusto mag-number one. Alam natin magagaling ang ibang entries good competition kasi, makikinabang audience lahat ng viewers at nagpapagandahan ang pelikula.

“Makikinabang ang mga nanonood kasi worth the money ang napanood nila kaya gusto namin mag number one mas importante nakapagpasaya kami sa manonood,” ani Direk Cathy.

Related Chika:
Vice Ganda binawasan ang talent fee sa ‘It’s Showtime’: Yun ang pinakamalaking sakripisyo niya!

Vice umaming nagkaproblema sa pagpapatawa: OMG! Kinakalawang yata ako!

Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending