Bandera "One on One": Aga Muhlach | Bandera

Bandera “One on One”: Aga Muhlach

- May 24, 2010 - 01:54 PM

ni Julie Bonifacio, Bandera Entertainment Correspondent

NAGSIMULA nang umikot ang mga camera para sa kauna-unahang TV show na pagsasamahan nina Aga Muhlach at Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa ABS-CBN last Wednesday. Sa Kingscourt sa  may Makati ang location ng bagong show nina Aga at Ai Ai na pinamagatang “M3 (Malay Mo Ma-develop)” sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.
More or less, two and half years ding hindi nag-taping si Aga ng isang regular show sa ABS-CBN. Habang naghihintay ng kanyang eksena si Aga  ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mainterbyu ng eksklusibo ang aktor para sa BANDERA sa loob ng holding area nila ni Ai Ai sa second floor ng Kingscourt.

BANDERA: Na-miss mo ba  ang pagti-taping?

AGA MUHLACH: Hindi ko naman na-miss. Ha-hahaha! Ayos lang. Hindi, parang iba lang. Nanibago lang ako. Medyo nag-iba. Pero okey naman, kasi nakakaisang sequence pa lang ako, e.
B: Anong klaseng show ba ang M3?

AM: Halong drama at sitcom, e. Kumbaga, basta istoryang totoo lang. Tumatakbo  lang siya na istoryang totoo lang. Ibig sabihin, kapag pinanood mo siya, wala kang makikitang adlib-adlib, ‘yung mga ganu’n. But it’s just, kung ano lang ‘yung nakalagay sa script, ‘yun lang ang gagawin namin. So, kumbaga, script-based kami. So, parang kung nakakatawa siya, kasi totoong nakakatawa siya. Hindi ‘yung pinipilit lang. Hindi ito slapstick.

B: Totoo ba na personal choice mo si Ai Ai na makasama sa bagong show na ito ng Kapamilya network?
AM:  Oo, that’s why. Kapag may kasama kang mga ganyan, e, ‘di okey. Tsaka makikita mo na agad ang ibibigay niyang reaksyon sa mga ginagawa mo.

B:  Natatawa ka ba kay Ai Ai?
AM:  Oo naman. Natuwa naman ako sa kanilang lahat. Tsaka  kumabaga, I was not even thinking na this is my show. No, it’s our show. It’s a show we want to present sa tao. And then, tingnan natin. Pero hindi, sigurado ako na maganda ‘to. Kasi  ito ‘yung noon ko pa gustong gawin na parang pelikula lang talaga.  Kasi sabi ko nga when they told me years ago na parang  ang sitcom wala na talaga, and I realized na wala na talaga. Kahit ako kung magsi-sitcom  ulit ako parang hindi ko na rin kaya. Parang anong gagawin ko? Natatawa na naman ako… parang ganu’n.

B:  Nagpapayat ka ba para sa show na ito?
AM:  Naku, hindi na. Hirap na ako. Ang pagpapayat kong ito ngayon mga two more weeks,  three more weeks pa siguro ayos na ayos na ako. Pero ayoko na, more than that.  Hindi na ako magpapataba ulit. Mahirap na kasi you get older. Isang taon na akong nagpapapayat! Ha-hahaha!

Unlike noon ilang months lang. Isang buwan, dalawang buwan lang. Dati nga next week lang sinasabi ko payat na ako, e. Ngayon, hindi na, mga next year na ako papayat. Sasabihin nila, ‘O, ang taba mo?’ ‘Oo, magpapapayat ako next week. Tulungan mo ako next week!’ Ha-hahaha!

B: So,  one year kang magpapapayat?
AM: Hindi, ayos na ito sa akin. Tama na ‘to!

B: Kumusta na ang movie n’yo ni Angel Locsin sa Star Cinema?
AM:   Nagre-rehearse-rehearse na kami. Puro rehearsals kami tapos June 10 ang first shooting day namin. We were suppossed to have started last week but they gave way first para sa show na ito.  Para makapaghanda pa, si Angel nag-start din ng soap niya (with John Lloyd Cruz). So, parang magbabaon muna kami ng isang buwan. Para when  we start on June 10, tuluy-tuloy  na, malinis na. Makakapag-shoot na kami. Alternate  naman kami like one week movie, one week TV. Mas madali na ‘yun. Ang working title niya is ‘Huling Sayaw.’

B:  Ano’ng role n’yo ni Angel sa movie?
AM:  Pareho kaming dancer sa movie. Pero hindi siya stripteaser. Parang pareho kami ng history. Pareho kaming dancer, parang ‘yun ang background ng istorya. It’s a love story but  mas malalim lang siya kasi merong politics involved. Malaki ang scope ng movie, iba ito. Ibig sabihin, aabot sa point na may barilan pa, ganu’n.
Action-drama ‘yung movie. Madilim siya. Madilim ‘yung pelikula. May action, it’s not your typical love story. Pinag-usapan nga namin ni direk Olive (Lamasan) kung gagawa kami ulit ng pelikula, kumbaga, it should be really something different.

B: Kasama rin sa movie n’yo si Jake Cuenca?
AM:   Kasama rin siya. ‘Yun pa lang ang alam ko, si Jake. But ‘yung sa amin ni Angel kasi, pag-shoot namin sa June 10, and then we’ll leave on June 15 for Japan already. May shooting kami ng 10 days sa Japan. Excited na ako to shoot a film in Japan. Pero pagpunta doon okey lang naman.  Maraming beses na rin kasi  akong nagpunta doon. Tsaka nag-a-out of the country naman kami for work, it’s really hard. Wala ka rin namang  vacation  time doon ‘di ba? Tuluy-tuloy din ang shooting which is nice. Mas gusto ko ‘yun kasi walang hinto. Hindi  tumitigil. Hindi ka uuwi ng bahay at dala-dala mo pa ‘yung character. That’s why it’s  better. Buti nga ganu’n ang sched. Nu’ng una hindi ganu’n, e. If we start last month, wala. E, ‘yung first part talaga ng movie ang shooting sa Japan. Makukunan na namin agad ‘yun, so, tamang-tama lang.

B: What about ‘yung movie n’yo ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez? AM:  Well,  seven days na lang kami to go. Mahaba pa ‘yun. Nahinto kami because umabot sa point na when direk Joyce Bernal left for the States for like two weeks, tapos pagbalik niya naman, si Regine nag-umpisa na sa soap opera niya. So, hindi ko rin alam kung anong istorya ‘no. Basta ganu’n, ang sabi ko lang, okey. E, ‘di  mas humaba ang bakasyon ko, ‘di mas okey din.

B: Hindi naman kaya mabantilawan ang pelikula n’yo ni Regine sa tagal ng pagsu-shoot?
AM: Matagal na talagang masyado. Epic nga itong ginagawa namin ni Regine. Pero hindi naman siguro aabutin sa shooting ng movie ko with Angel. Oh, well, hindi ko na lang iniisip. Alam mo kapag mga ganyang bagay huwag mo lang pinag-iisip ‘yan. Kumbaga,  take it as it comes. Bahala na ‘di ba?  Bahala na ‘yung itaas (management), sila naman ang nagpaplano niyan.

B:   Wala pa bang target playdate ang movie n’yo ni Regine?
AM:   Well,  kasi walang schedule, e. Kasi si Regs nag-soap na. After mag-soap, nasa States ngayon. Babalik siya first week of June pa.  Pagbalik niya, June 10 naman magsu-shoot ako ng another movie. Uuwi ata siya June 6. Pero may mangyayari naman tiyak sa movie namin. Matatapos ‘yan. Tatapusin namin ‘yan.

B: So, dalawang pelikula ang gagawin mo this year?
AM:   Tatlo, ang ipapalabas  siguro isa o dalawa. Hindi ko alam, e. But after nu’ng kay Angel, tatapusin ko ‘yun and then I will start a movie with Lea (Salonga). Next year na ‘yung playdate nu’ng sa amin ni Lea.

B: Excited ka na ba to work with Lea again?
AM: Excited  ako siyempre with Lea. ‘Yun naman talaga ang projects na ni-line-up namin talaga. Ang hiniling ko lang naman talaga ‘yung project namin ni Angel, tapos si Regine, then, Lea. Ayos na ‘yun. Okey na ‘yun.

B: Natutupad ang lahat ng hiling mo, huh?
AM:   Mabait lang ang Diyos (sa akin). And flattered ako na gusto pa rin akong makasama ni Lea. Nasanay na lang siguro siya sa akin but that’s nice. Parati ko naman kasi siyang tinatawagan. We’re neighbors din kasi kaya palagi kaming nagkikita. I can’t tell pa the story of the movie and our roles but it will be directed by Rory Quintos.

B: After ni Lea, sino pa ang gusto mong makasama sa trabaho?
AM: Lalake? Hindi ko alam, e. Kasi ang layo na noon, e. Hindi ko pa naiisip ‘yun. This year na lang muna. One at a time, ‘di ba?

B: Pila-pila pa rin ang mga artistang dream na makatrabaho ka?
AM: Hindi naman, hindi naman ganu’n. Alam mo isang pelikula lang naman ako isang taon. Nagkataon lang nag-overlap ‘yung dalawa, ito ngang kay Regine. Dapat ‘yung kay Regine last year pa ‘yun. Umabot lang ngayon. So, this year is for Angel lang talaga. So, matatapos ito and then, ‘yung kay Lea bubuksan na namin ng November pero January pa talaga ang full blast ng shooting namin.

B: So, naapektuhan talaga ang schedule mo sa pagkaka-delay ng movie n’yo ni Regine?
AM:  Hindi naman. Kumbaga, nagkataon lang. Kasi  maraming nangyari sa amin last year. Plus, you know, I was trying to loose wieght which they told me I don’t have to. Because ang istorya naman ng pelikula hindi kailangang payat ako. Abogado na hindi nakapasa sa bar ang role ko sa movie namin ni Regine. Parang loser ako. So, sa hitsura pati sa bihis parang wala talaga akong pakialam.
Nangangapa nga ako nu’ng first shooting day namin ni Regine. Siyempre matagal akong napahinga. Parang bumubwelo ako, pero hindi ako makabwelo. Parang, it was really hard. Pero okey din, e. Mahirap lang talaga sa umpisa. Pero kapag naka-shoot ka na ng everyday gaya sa amin ni Regine, okay na.

B: Last election meron ka bang in-endrose na kandidato?
AM: Wala, wala, e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B: Pero  may nag-approach ba sa ‘yo, like a Presidentiable candidate na i-endorso mo?
AM: Yeah, pero huwag na lang nating banggitin. Dyahe naman ‘yun.

Bandera, Philippine Entertainment News, 052410

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending