Walang honor at wrong grammar na working student sa Tarlac nagtapos na cum laude | Bandera

Walang honor at wrong grammar na working student sa Tarlac nagtapos na cum laude

Ervin Santiago - August 25, 2022 - 02:17 PM

Warren Dugay student sa umaga waiter sa gabi, nagtapos ng cum laude

Warren Dugay

NAGBUNGA nang bonggang-bongga ang pagsisipag at pagsasakripisyo ng isang working student sa Tarlac.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang Facebook hugot ni Warren Dugay, tungkol sa mga pinagdaanan niyang challenges bago natupad ang pangarap niyang makapagtapos sa kolehiyo.

Ayon sa binata, hindi naging madali para sa kanya ang apat na taong pag-aaral sa college dahil talagang dugo’t pawis ang naging puhunan niya bago niya bago nagtagumpay.

Ibinahagi ng binata na nitong nagdaang buwan lamang ay nag-graduate na siya bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management.

Kuwento ni Warren, habang nag-aaral siya sa Tarlac State University (TSU) ay rumaraket din siya bilang waiter sa Tondo. Tinawag pa niya ang kanyang mga naging experience na isang “rollercoaster ride”.

“Ako pala yon batang walang honor nong elementary, sumasali lang ng extra curriculars to have medals every recognition day to make my parents proud.

“Hirap mag english at wrong grammar lagi nong junior high,” sabi pa ni Warren.

Nang tumungtong na raw siya sa senior high school, isang normal na estudyante naman daw ang naging buhay niya with some awards din naman. Pero inamin niya may pagkakataon ding nakikipag-inuman siya sa kanyang barkada at super late na kapag umuwi.

Ngunit nang mag-college na siya, talagang seryoso na ang ginawa niyang pag-aaral. Aniya, nag-part-time waiter siya isang teahouse sa Tondo sa Tondo kapag school break at Christmas break.

Nu’ng magkaroon naman ng pandemya, nag-decide si Warren na manatili muna sa Tondo para ipagpatuloy ang pagiging waiter.

Kung minsan ay nilalagare niya ang pagdu-duty at paggawa ng assignments at pagre-review kapag may exam, “May time din na nagpapaalam po ako sa amo ko na di ako makakapasok, lalo nung feasibility studies days ko.”

Chika pa ng binata, desisyon niya ang maging working student para kahit paano’y makatulong sa kanyang parents na waiter at waitress din na kasama sa mga naapektuhan ang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, inamin din niya na nagduda siya sa sarili nang maging online na ang klase sa pagtungtong niya ng third year pero napagtagumpayan pa rin niya ang lahat ng challenges.

Payo naman ni Warren sa lahat ng nahihirapan sa kanilang pag-aaral, huwag na huwag susuko kahit ganoon pa kahirap dahil aniya, walang imposible sa may pangarap.

https://bandera.inquirer.net/285199/dingdong-tinupad-ang-kabilin-bilinan-ng-magulang-matinding-hirap-ang-dinanas-bilang-working-student

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290444/cassy-proud-working-student-nag-aaral-habang-nasa-lock-in-taping-stressful-but-fun
https://bandera.inquirer.net/314687/beauty-may-expiration-date-ang-pag-aartista-nangako-sa-asawat-anak-na-6-years-na-lang-sa-showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending