John Arcilla umaasa pa ring magkakaroon ng sariling pamilya sa edad na 56: Kayang-kaya pa, tsaka hindi naman ako baog! | Bandera

John Arcilla umaasa pa ring magkakaroon ng sariling pamilya sa edad na 56: Kayang-kaya pa, tsaka hindi naman ako baog!

Ervin Santiago |August 23,2022
facebook
share this

John Arcilla umaasa pa ring magkakaroon ng sariling pamilya sa edad na 56: Kayang-kaya pa, tsaka hindi naman ako baog!

Ervin Santiago - August 23, 2022 - 05:21 PM

John Arcilla

SA edad niyang 56, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang award-winning actor na si John Arcilla na darating din ang tamang panahon na magkakaroon din siya ng sariling pamilya.

Inamin ng premyadong veteran star na nagkaroon din siya ng seryosong relasyon noon pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng anak.

“Nagkaroon ako ng dalawang seryosong relationship na almost nagkaroon ng family pero hindi natuloy. Hindi ako pinalad na (magka-baby) pero almost nandoon na.

“Nagkaroon sila ng desisyon na hindi ko kayang kontrolin. Tapos, meron pang isa ulit na non-showbiz. Siguro may ibang plano sa akin ang Diyos,” ang pag-amin ni John sa latest vlog ni Ogie Diaz.

Nangangarap pa rin naman daw siya na magkaroon ng sariling pamilya in the future kahit pa magsi-60 years old na siya, “Oo naman, tsaka kayang-kaya pa naman. Kayang-kaya pa talaga.”

View this post on Instagram

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


Pero dugtong niya, “Sa dami ng responsibilidad mo ngayon, parang natatakot ka na. Tsaka sa age bracket ko, parang nagdadalawang-isip na rin ako, although gusto ko pa rin. Walang problema. Hindi naman ako baog, e.”

Sa ngayon ibinubuhos muna niya ang kanyang panahon sa mga pamangkin at apo.

“Masaya ako dahil and daming mga blessings, ang daming accolades, ang daming recognitions. Maraming challenges pero alam ko na siyang i-hurdle,” aniya pa.

Naikuwento rin niya ang kanyang mga pinagdaanan noong sunud-sunod na pumanaw ng ilang kapamilya na tinamaan ng COVID-19, “Ayokong isipin yung mga posibleng dumating na hindi mo puwedeng kontrolin, kagaya nung may mawawala sa ‘yo, whether you like it or not, na mahal mo sa buhay.

“Gusto kong isipin na kakayanin ko iyon. Natural lang iyon kasi ako rin, darating din yung panahon ko, na ako rin yung mawawala.

“I-enjoy ko na lang while it lasts. Na nandiyan ang mga mahal ko sa buhay and prepare myself na darating ang panahon na mawawala rin talaga sila,” pahayag ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Habang nabubuhay tayo, sinasabi ko sa puso ko na mag-enjoy na lang, magmahalan na lang,” dagdag pang pahayag ni John Arcilla na huling napanood sa katatapos lamang na “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

John Arcilla namatayan ng 10 mahal sa buhay sa loob ng 1 taon ngayong panahon ng pandemya

John Arcilla shookt din sa isyu ng #MaJoHa sa PBB: Kaya siguro lutang ang isip ng kabataan pagdating sa kasaysayan ay dahil…..

John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending