Jessy, Luis nai-stress kapag negative ang pregnancy test: We’ve been trying for months, tapos naiiyak ako... | Bandera

Jessy, Luis nai-stress kapag negative ang pregnancy test: We’ve been trying for months, tapos naiiyak ako…

Ervin Santiago |August 21,2022
facebook
share this

Jessy, Luis nai-stress kapag negative ang pregnancy test: We’ve been trying for months, tapos naiiyak ako…

Ervin Santiago - August 21, 2022 - 12:52 PM

Jessy Mendiola at Luis Manzano

INAMIN nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na ilang buwan na rin silang nagta-try na makabuo ng baby at talagang inaatake sila ng stress kapag negative ang resulta ng kanilang pregnancy test.

Kaya naman nang malaman nila na finally ay may baby na sa tummy ni Jessy, talbog pa nila ang reaksyon ng mga taong naka-jackpot sa lotto.

Sa pamamagitan ng bagong vlog ni Jessy sa YouTube, nagkuwento sila ni Luis tungkol sa kanilang pregnancy journey, kabilang na riyan ang detalye kung kailan at paano nila nalamang magiging parents na sila.

“Nasa end of May siya or first week of June ganyan. Tapos we found out na pang-ilang buwan ko na pala na pregnant ako,” simulang kuwento ni Jessy.

“Kasi late siya,” sey naman ni Luis na ang tinutukoy ay ang menstrual period ng asawa.

Pagpapatuloy ni Jessy, “We’ve been trying for months. Every time na siyempre hindi kami papalarin, malulungkot kami. So, dumating sa point na hindi na ako nagte-test o umaasa o kapag magkakaroon ako, naiiyak ako.”

“So, dumating sa point na hindi na rin kami masyadong pressured. Kumbaga, nag-usap kami na ‘Let’s have fun na lang, let’s enjoy. And hintayin natin kung kailan ibibigay sa atin,’” sey pa ng aktres.

“And yes, we had fun,” dagdag naman ni Luis.

View this post on Instagram

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@senorita_jessy)


“Kumbaga, nandoon ‘yung effort pero hindi namin hinayaan na ma-stress kami kung ibigay agad ni Lord or hindi,” pahayag pa ng TV host-actor.

“Tsaka baka kaya hindi natutuloy kasi na-sstress kami,” sabi naman ni Jessy.

Kuwento pa ni Luis, inaasahan daw nila talaga na makakabuo sila ni Jessy ng baby habang nagbabakasyon sila sa Dubai pero nabigo nga sila.

“May expectation kami na mabubuo sa Dubai,” sey ni Luis na sinagot ni Jessy ng, “Lagi tayong may expectations na ‘pag nagbabakasyon tayo, du’n mabubuo or like kapag sinunod natin ‘yung date. Parang hindi ka na nag-enjoy d’un sa lovemaking.”

“It took a very heavy weight on our shoulders. Kaya siguro mas naging conducive pagdating sa physical, mental and our bodies being ready,” dagdag ni Luis.

At nalaman nga ni Jessy na buntis siya habang nasa trabaho ang kanyang mister, “Nalaman ko siya nasa work siya nu’n. Tapos nararamdaman ko siya morning palang.

“Parang pakiramdam ko, may laman na ‘yung tummy ko. So tinawagan ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo Howhow bumili ka na ng pregnancy test kit.’

“Tapos ‘yun na bumili na siya, tapos that afternoon, nu’ng nag-test ako, du’n na namin nakita ‘yung positive,” pagbabahagi pa ng future mommy.

Sey uli ni Luis, “Hindi pa siya makapaniwala kasi ‘yung unang test niya, pumasok siya ng banyo. Tapos ako, wala, no expectations na kami. After the first kit, labas siya, sabi niya ‘Love, feeling ko may isang line. Tingnan mo nga ‘to. Magte-test ako ulit.’”

“Kasi hindi ako sure. Baka magkamali ako. So talagang tinawag ko siya. Sabi ko, ‘Love tingnan mo’ Siyempre nawala na ‘yung surprise. Naiyak siyang konti,” ani Jessy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung pangalawa, mas malinaw na ‘yung second line. Tinawag ko na siya. Tapos du’n na kami nagsigawan at nag-iyakan,” dagdag pa niya.

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Jessy umaming may ‘attitude’; nakatanggap rin ng indecent proposal

Alex: If ever ma-bless ulit na mabuntis we might not tell you right away netizens…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending