AJ Raval hindi nagpa-double sa buwis-buhay na action scenes: Napaso ako ng sigarilyo, nasaktan at nagkapasa-pasa sa katawan | Bandera

AJ Raval hindi nagpa-double sa buwis-buhay na action scenes: Napaso ako ng sigarilyo, nasaktan at nagkapasa-pasa sa katawan

Ervin Santiago |August 18,2022
facebook
share this

AJ Raval hindi nagpa-double sa buwis-buhay na action scenes: Napaso ako ng sigarilyo, nasaktan at nagkapasa-pasa sa katawan

Ervin Santiago - August 18, 2022 - 07:54 AM

AJ Raval

HINDI nagpa-double ang controversial sexy star na si AJ Raval sa lahat ng action scenes niya sa bagong original Vivamax movie na “Sitio Diablo.”

Ayon sa dalaga, pinaghandaan at talagang kinarir niya ang mga fight scenes sa pelikula na ipinagawa sa kanya ng kanilang direktor na si Roman Perez, Jr..

“’Sitio Diablo’ is a hard action movie at nagpapasalamat po ako sa Viva na binigyan ako ng ganitong project dahil noon ko pa pinapangarap na makagawa ng action movie.

“Ako mismo ang gumawa ng action scenes ko at fight routines dito. Hindi po ako nagpa-double kasi I really want to prove na kaya kong mag-action,” pagmamalaki ni AJ sa ginanap na virtual mediacon ng movie kamakailan.

Tinanong si AJ kung ginawa ba niya ang mga delikadong stunts para matigil na ang chika na nabuntis siya ng rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

“No, hindi ko naman po ginawa ito para lang sa mga naninira sa akin. Nagsisimula pa lang ako sa showbiz, ‘yun na talaga ang dream ko at ngayon, heto, natupad na ang pangarap ko,” depensa ng dalaga.

Ayon naman kay Direk Roman Perez, Jr., “She really prepared for this project. Nag-aral siya ng stunts, barilan, bakbakan at ng knife fighting.

“Ang galing na niyang humawak ng balisong. Nakaka-proud siya kasi ang daming stunts, may scenes na ang dami niyang mga kalaban, pero lahat, kinaya niya,” sabi ng Vivamax direktor.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Para kay AJ ang pinaka-challenging na eksenang ginawa niya sa movie ay, “Actually, hindi po ‘yung action scenes kundi yung love scene namin ni Kiko Estrada.

“First time ko siyang nakatrabaho at first time din siyang nakipag-love scene, so hindi pa siya sanay. Inabot sa point na napaso ako ng sigarilyo. Nasaktan din at nagkaroon ng mga pasa sa katawan. But it’s worth it kasi maganda naman lumabas sa screen ang eksena,” kuwento pa ng anak ni Jeric Raval.

Nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa mga naranasan niya sa pagsu-shooting sa Smokey Mountain at sa Baseco Compound sa Tondo, “Ang hirap po sa crowd control kasi ang daming taong nanonood sa shooting.”

Dagdag ni Direk Roman, “Siguro, mga dalawang libong tao ang nagmiron sa amin. May mga batang nakahubo’t hubad, mga basurero, iba-ibang klaseng tao. Lahat sila, sabik makita si AJ.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa pelikula sina Benz Sangalang, Pio Balbuena, Cean Jr., Ace Raval, Just Hush at Because. Mapapanood na ang “Sitio Diablo” sa Vivamax simula sa August 26.

AJ Raval natupad na ang pangarap maging action star tulad ng ama: Siya po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending