73-anyos na lolo nakapagpatayo ng bahay mula sa pagtitinda ng kendi: Hindi ko sukat akalain, parang panaginip lang | Bandera

73-anyos na lolo nakapagpatayo ng bahay mula sa pagtitinda ng kendi: Hindi ko sukat akalain, parang panaginip lang

Ervin Santiago - August 14, 2022 - 02:24 PM

Angelito Gino-Gino a.k.a. Lolo Pops

Angelito Gino-Gino a.k.a. Lolo Pops

MARAMING naantig at na-inspire sa kuwento ng isang 73 anyos na lolo na nakapagpatayo na ng sariling bahay sa gitna ng pandemya nang dahil sa “kendi.”

Siya ay si Angelito Gino-Gino ng Angeles City na mas kilala na ngayon sa mundo ng online selling bilang si Lolo Pops na mula nga sa mga itinitinda niyang lollipop at iba pang klase ng mga candy.

Mahigit isang dekada nang candy vendor si Lolo Pops na naglako noon ng kanyang mga paninda sa Muñoz, Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Nang magkapandemya, nahinto rin ang paglalako ni Lolo Pops ng kanyang paninda pero nang dahil sa tulong ng online seller na si Arriane Ocampo, bigla uling sumigla ang kanyang negosyo.

Ginawan siya nito ng account sa isang online shopping app para doon ibenta ang kanyang mga panindang kendi. Ang online seller na tumulong kay Lolo Pops ay dating suki ng matanda.

Nakita raw niya sa social media ang pagtitinda ng matanda kaya naisipan niya itong gawan ng online store ang matanda, “Naisip ko po na why not i-enroll ko siya o i-register ko siya sa online store para lahat ng gustong mag-avail ng mga products niya madali na lang po makakabili, nationwide pa po.”

Sa programang “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ni Noli de Castro sa ABS-CBN, naitampok ang kuwento ni Lolo Pops na nagsabing halos lahat na raw yata ng eskwelahan sa Maynila ay napuntahan na niya.

Pagbabahagi ng madiskarteng lolo, madalas daw siyang pinaaalis noon sa mga bangketa ng mga taga- Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) pero nang tumagal daw ay hinayaan na siyang pumuwesto sa isang lugar para magtinda.

“Ang parang pinakadiskarte ko sa pagtitinda, siyempre, pag ikaw nagtitinda, nakangiti, naka-smile ka,” pahayag ni Lolo Pops na umaming hindi na niya iniaasa sa kanyang mga anak ang pangangailangan nilang mag-asawa.

Siya rin ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa kanyang misis na na-stroke noong 2011, “Mga anak ko, marami ding mga anak. Sa dami ng mga anak nila hindi nila rin kaya na suportahan kami.”

Kuwento pa ni Lolo Pops, naging mahirap noong una ang pagsabak niya sa online selling dahil hindi nga wala siyang masyadong kaalaman sa internet at socmed.

Pero dahil na rin sa tulong ng isa niyang anak na babae, naging matagumpay ang kanyang negosyo at nadagdagan pa ang mga paninda, tulad ng pastillas, pulboron at spicy bagoong.

At dahil nga sa success ng kanyang business, nakapagpatayo na rin ng bahay si Lolo Pops na dati’y nakatira lamang sa pinagdikit-dikit na mga yero at kahoy.

“Yung ika nga, sa pagtitiyaga, nakapagpagawa ako ng bahay na dalawang palapag.

“Hindi ko sukat akalain. Parang panaginip lang, na dati kong bahay na inaanay, ngayon pag tiningnan mo, ‘’Nasaan ba? Bahay ko na ba ito?’

“Darating pala ang panahon magkakaroon ako ng ganoon din, ganitong bahay na di ko inaasahan,” ani Lolo Pops na nagpaalala pa sa lahat ng mga Filipino, “Hangga’t kaya, patuloy ang pagsusumikap.”
https://bandera.inquirer.net/320723/aktor-na-hindi-kalakihan-ang-talent-fee-nakapagpatayo-ng-bahay-sa-exclusive-subdivision

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283588/mariel-nagnegosyo-para-kumita-ng-extra-nahihiya-ako-kay-robin-kasi
https://bandera.inquirer.net/299382/rebelasyon-piolo-aga-parehong-naging-jowa-ni-pops

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending