Badjao Girl Rita Gaviola umaming nanay na: Proud ako dahil hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan... Bandera

Badjao Girl Rita Gaviola umaming nanay na: Proud ako dahil hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan…

Reggee Bonoan |August 09,2022
share this

Badjao Girl Rita Gaviola umaming nanay na: Proud ako dahil hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan…

Reggee Bonoan - August 09, 2022 - 06:38 PM

Rita Gaviola a.k.a. Badjao Girl at ang kanyang baby

PROUD mommy na si Rita Gaviola na mas kilala bilang si Badjao Girl.

Siya yung batang namamalimos na nakunan noon ng photographer na si Topher Quinto Burgo habang nagko-cover sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

Nag-trending noon si Badjao Girl at marami ang naghanap sa kanya para matulungan and the rest is history.

Isa sa pangarap ni Badjao Girl ang makapasok sa showbiz at sinuwerteng mapabilang sa “Pinoy Big Brother” Season 7 pero hindi siya nagwagi.

Hindi naman doon nagwakas ang exposure ni Rita dahil may ilang TV guestings siya at mall shows.  Tanda namin ay pinangarap din niyang pasukin ang beauty contest pero wala na kaming narinig mula noon.

At kaya pala nanahimik na si Badjao Girl ay dahil nagkaroon na pala siya ng pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)


Buong pagmamalaki niyang ipinost sa kanyang Instagram account ang kanyang baby. Hindi naman nabanggit ni Rita kung kasal na sila ng ama ng kanyang anak.

Sa solong larawan ng baby ay may caption si Rita na, “Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita kahit laitin niyo ako okay lang sa akin basta wag ninyo lang idamay ang anak ko tatanggapin ko lahat ng masasakit ‘wag lang anak ko pero isa lang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan (praying hands and angel face emoji).”

Wala kaming ideya kung saan nanggagaling ang post na ito ni Rita dahil sa sinabi niyang “hindi ko pinaglaglag ang baby dahil sa kasikatan.” May offer kaya sa kanya na project?

Anyway, pinuri naman siya ng followers niya sa ginawa niyang desisyon.

Sabi ni @cristinadelph, “Babies are blessings (heart emojis).”

Mula naman kay @c.rxnnn, “Honestly there’s nothing wrong about having a child in a young age, I have a baby too and I’m just 17, I took the consequences and I’m facing this journey bec of my own decision.”

Say ni @itslvly23, “Super cute (smiling face with heart eyes emojis).”

Dagdag ni @noapologees, “So adorable God’s blessing indeed.”

Tsinek namin ang iba pang post ni Rita sa kanyang IG at nakita nga namin ang isang litrato nakapostura at naka-make up pa. May nagkomento rito ng, “Rarampa ka na ba sa Binibining Pilipinas?”

Ito kaya ang sinabi niya na ipinalit niya sa kasikatan?

Badjao Girl planong sumali sa Miss Universe, payo ng netizens: Mag-train ka na, galingan mo!

Badjao Girl hindi joke ang pagsali sa Miss Universe PH; 2 Kapuso actress ‘nangumpisal’ sa TBATS

Tambalang Donny-Belle susunod sa kasikatan ng KathNiel at Lizquen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending