Bela, Yassi binalikan ang pagiging wifey ni Coco sa ‘Probinsyano’: Maraming salamat sa pag-share mo sa sarili mo sa aming lahat!
“ONE of the best leading man!” Ganyan ang ginawang paglalarawan ng mga naging “asawa” ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na sina Yassi Pressman at Bela Padilla.
Sa nalalapit na pagtatapos ng longest-running primetime series ng ABS-CBN, nagbahagi ang dalawang aktres ng kanilang mensahe para kay Coco at sa pagiging bahagi ng kuwento ni Cardo Dalisay.
Sa video ng Dreamscape Entertainment, ang producer ng tinaguriang “pambansang teleserye,” sinabi ni Yassi na gumanap bilang si Alyana Arevalo Dalisay, ang wifey ni Cardo, na hindi siya makapaniwala na malapit nang matapos ang serye.
“Kahit nu’ng nandoon kami, we heard the ‘Probinsyano’ will end maraming-maraming beses and gustung-gusto pa rin siya ng mga tao. Kahit ngayon mahal na mahal ng mga tao si Cardo, mahal na mahal ng mga tao ang ‘Ang Probinsyano,'” pahayag ng aktres at TV host.
“Bumalik ulit ‘yung naramdaman ko nu’ng umalis ako, nalungkot ako pero ‘yung mga nangyari nandoon pa rin siya sa puso ko. And I’m sure ganu’n din ‘yung nararamdaman ng mga Filipino, sana,” dagdag pa ng dalaga.
Para naman kay Bela, “Malungkot man na magtatapos na, I am happy din kasi nakagawa tayo ng ganitong klaseng show and we were part of something this big.”
View this post on Instagram
Gumanap naman si Bela sa “Ang Probinsyano” bilang si Carmen Guzman, ang misis ng kakambal ni Cardo Dalisay na si Ador Dalisay.
Samantala, hinding-hindi raw talaga makakalimutan nina Bela at Yassi ang naging experience nila bilang leading lady ni Coco sa “Probinsyano. Forever daw nilang babaunin ito sa kanilang buhay.
“Si Coco as a leading man is probably one of the best leading men ever. Hindi niya iniisip ‘yung sarili niya. Hindi siya selfish. Iniisip niya lagi kung paano ka niya tutulungan, kung paano niya mapapaganda ‘yung eksena, paano ito makakabuti sa ating lahat.
“And for me I think that trait is very, very generous. Mabait. Sobrang galing na aktor,” sey ni Yassi.
Hirit naman ni Bela, “I hope Coco seryosohin mo this time when I say I am very, very proud of you. You have proven, ipinakita mo sa lahat kung gaano ka ka-talented hindi lang artista pero creative force.
“Dito ka na rin talaga nahasa as a director. I am excited na mapanood pa lalo ang mga susunod mo pang gagawin after nito. At sana ay proud ka rin sa sarili mo yan ang pinakaimportante,” aniya pa.
“Sana sa mga coming months ay magpahinga ka ng maayos. Lahat ng sakit, suntok, action scenes na ginawa mo bilang Cardo ay talagang deserve na deserve mo ang magpahinga.
“Mag-enjoy ka sa mga susunod na linggo at buwan. I am truly blessed to have worked with you on such a beautiful project and I am also very blessed to know you as a person. Maraming salamat sa pag-share mo sa sarili mo, sa aming lahat,” paalala pa ni Bela kay Coco.
Bukod kina Bela at Yassi, nagpahayag din ng kalungkutan ang iba pang nakasama sa pitong taong pamamayagpag sa ere ng “Probinsyano” tulad nina Arjo Atayde, Jhong Hilario, Lito Lapid at Mark Lapid.
Ngayong darating na Biyernes na, Agosto 12, ang finale episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at papalitan na ito sa Agosto 15, ng “Mars Ravelo’s Darna” ni Jane de Leon.
https://bandera.inquirer.net/315889/may-dahilan-kung-bakit-iniligtas-ng-diyos-si-cardo-dalisay-ayaw-niyang-mahulog-sa-masasamang-kamay-ang-pilipinas
https://bandera.inquirer.net/319370/yassi-pressman-ibinandera-ang-relasyon-kay-jon-semira-so-happy-with-where-life-has-brought-us
https://bandera.inquirer.net/306536/bela-padilla-norman-bay-masayang-nag-celebrate-ng-2nd-anniversary-you-make-my-days-brighter
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.