Viy Cortez, Cong TV ipatatayo na ang mala-palasyong dream house: Grabe! Ang tagal ko 'tong pinangarap, ngayon matutupad na! | Bandera

Viy Cortez, Cong TV ipatatayo na ang mala-palasyong dream house: Grabe! Ang tagal ko ‘tong pinangarap, ngayon matutupad na!

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 12:35 PM

Cong TV at Viy Cortez

ANG bongga ng ipatatayong dream house ng YouTube vloggers na sina Viy Cortez at Cong TV na ipinasilip nila sa milyun-milyon nilang subscribers.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ng sikat na online couple na sisimulan na ang construction ng kanilang sariling bahay na pinaniniwalaang katas ng kanilang ilang taong pamamayagpag sa vlogging industry.

Ayon kay Viy, sa nasabing tahanan nila palalakihin ang anak nilang si Baby Kidlat na siyang top priority nila ngayon ng kanyang longtime partner.

“Pangarap ko ito na magkaroon kami ng sariling bahay ni Cong,” pahayag ni Viy sa kanyang social media post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)


Aniya pa, ang pagsisimula ng construction ng kanilang bagong bahay ay “very symbolic” para sa kanya dahil ito rin ang pagsisimula ng bago nilang journey ni Cong bilang mga magulang.

Makikita sa ipinost niyang photo sa FB ang modern design ng ipatatayo nilang bahay na may matataas ceilings. Meron itong tatlong palapag na may bonggang-bonggang interior design.

“Grabe tagal ko tong pinangarap. Ngayon matutupad na,” sey ni Viy.

Napa-sana all naman ang mga netizens sa napakagandang plano para sa bahay ng sikat na sikat na online personalities.

May nagsabi pa nga na gusto na nilang magpaampon sa dalawa para doon na rin sila tumira.
Samantala, nagbiro naman si Pat Velasquez-Gaspar, ang kapatid ni Cong TV kung saan daw ang magiging kuwarto niya sa mansyon, “Di na kami magpapatayo ng bahay, makikitira nalang kami sa basement.”

Last month isinilang ni Viy ang panganay na anak nila ni Cong na si Baby. Noong December, 2021 nang i-announce nila na magiging parents na rin sila.

Sa isang vlog, sinabi ni Cong na grabe ang nararamdaman niyang kaligayahan at excitement sa pagdating ni Baby Kidlat sa kanilang buhay.

“Ilang beses ko nang narinig na titigil ang mundo mo, titigil. ‘Yung moment na nakita ko siya, nag-rewind ‘yung buong buhay ko, hindi lang tumigil,” sey ni Cong.

https://bandera.inquirer.net/318454/viy-cortez-dedma-lang-sa-itsura-basta-masigurong-ok-si-baby-kidlat

https://bandera.inquirer.net/317850/viy-cortez-cong-tv-ipinasulyap-ang-kanilang-first-baby-sa-madlang-pipol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/318583/viy-cortez-cong-tv-ibinandera-ang-mukha-ni-baby-kidlat-netizens-super-happy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending