Herlene Budol sasabak sa international pageant kahit hindi nanalo sa Bb. Pilipinas 2022: Bobo man sa inyong paningin, pero para sa akin... Bandera

Herlene Budol sasabak sa international pageant kahit hindi nanalo sa Bb. Pilipinas 2022: Bobo man sa inyong paningin, pero para sa akin…

Ervin Santiago |August 07,2022
share this

Herlene Budol sasabak sa international pageant kahit hindi nanalo sa Bb. Pilipinas 2022: Bobo man sa inyong paningin, pero para sa akin…

Ervin Santiago - August 07, 2022 - 03:43 PM

Herlene Budol

CONFIRMED! Pagkatapos ng kanyang bonggang-bonggang pagrampa sa Binibining Pilipinas 2022, lalaban din si Herlene Budol sa international pageant.

Salungat sa naunang sinabi ng Kapuso comedienne na first and last na pagsali niya sa Binibining Pilipinas, itutuluy-tuloy na niya ang pagsabak sa beauty pageants.

Mismong ang talent manager na niyang si Wilbert Tolentino ang nagsabi na hindi magtatapos sa isang national pageant ang journey ni Herlene bilang isang aspiring beauty queen.

Itinanghal na first runner-up si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022. Wala siyang natanggap kahit isa sa apat na major title na ipinamigay sa naturang pageant na siyang ilalaban ng bansa sa international competition.

Kung may isang kandidata na hindi makakalaban sa kanilang respective international pageants sa anumang kadahilanan, si Herlene ang ipapalit.

Ngunit ayon sa manager ng komedyana, nagpaalam na siya sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. at inihanap na raw niya ng sasalihang international pageant si Herlene.

“Gusto ko lang sabihin sa inyo na humingi ako ng basbas ng Binibining Pilipinas na naghanap ako ng international pageant na ilalaban ko pa rin si Herlene,” ang announcement ni Wilbert sa naganap na victory homecoming ng Kapuso star sa Angono, Rizal nitong nagdaang Biyernes  August 5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Aniya pa, wikang Filipino ang gagamitin ni Herlene kapag lumaban siya international pageant tulad ng ginawa niya sa Binibining Pilipinas.

Pagkumpirma rin ni Herlene, “Sabi nga ni Sir Wilbert, meron pa po tayong mga susunod na laban, kagaya sa international (pageant).

“Isisigaw ko po doon at handang-handa na po akong sumigaw ng Pilipinas, kahit na Tagalog.

“Dahil Filipino po ako. Proud po ako na nagsasalita po ako ng wikang Filipino.

“Taglish man o bobo man sa inyong paningin, e, para sa akin hindi lang po basehan ang pag-i-English pagdating sa katalinuhan,” aniya pa.

Ipinagdiinan din ng dalaga na higit pa sa question and answer ang ipinaglalabang misyon sa pagsali  sa beauty pageant.

“Kagaya ko po, wala akong alam sa kahit anong pageant, bukod po sa Binibining Angono, tumalon po tayo ng national pageant.

“Para sa akin, yung pinakadinala ko po doon yung istorya ng buhay ko, kung bakit po ako napunta doon.

“Alam ko na yung purpose ko. Maraming salamat din, Binibining Pilipinas. Ngayon I am uniquely beautiful with a mission,” pahayag pa ng Kapuso comedienne.

Kasunod nito, nag-thank you rin si Herlene sa kanyang glam, kabilang na ang kanyang coach sa Q&A, “Nagpatalino sa akin, nag-stretch ng utak ko. Alam niyo, meron pa palang ibubuga yung mga taong akala nila hanggang du’n na lang yung utak nila.

“Kagaya ko po, takot po akong magsalita sa harap ng maraming tao, pero napag-aaralan. Naniniwala na pala ako na napag-aaralan ang lahat ng bagay,” sey pa ni Hipon Girl.

Herlene gumawa ng kasaysayan sa mundo ng beauty pageant: Huwag matakot maiba, laging maging Binibining hindi inaasahan!

Hugot ni Herlene Budol sa pagsali sa Bb. Pilipinas: Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi ka na makakabangon

Herlene Budol ayaw nang sumali sa kahit anong beauty pageant?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending