Historian na si Xiao Chua sinagot si Darryl Yap: I will give my middle finger to you

Darryl Yap

MAY patutsada si Xiao Chua, isang public historian at propesor laban sa “Maid in Malacañang” director na si Darryl Yap.

Ito ay may kinalaman sa naging panayam ng direktor kay Boy Abunda na in-upload sa YouTube nitong Agosto 4.

Ayon kasi kay Darryl, hindi raw nararapat na maging propesyon ang pagiging historian at para sa kanya ay mga researchers lamang ang mga ito.

“Being a historian SHOULD not be a profession? I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you,” saad ni Xiao.

Matatandaang isa sa mga naging usapan nina Tito Boy at Darryl ay ang pananaw nito ukol sa mga historians.

Sagot ng direktor, “Sa tingin ko, lahat ng tao naman ay historian eh. Sa palagay ko, lahat tayo, may pinanghahawakan sa kasaysayan, at may iba-iba tayong tingin sa kasaysayan. Hindi kayang ikulong ng libro o ng isang panulat o ng isang historian ang sa palagay mo’y nangyari.”

Dito ay nabanggit niya na hindi dapat maging propesyon ang pagiging historyador.

Saad ni Darryl, “I don’t believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interpretation, ‘yun ang hindi ko matatanggap.”
Dagdag pa niya, “Kasi lahat ng tao, para makapagsulat ka, makapag-compile ka meron at meron kang emotional attachment at ‘yun ang nagiging bias mo.”

Chika pa ni Darryl, maaaring marami ang magalit sa kanyang sasabihin pero para sa kanya, lahat daw ay may take sa kasaysayan.

“Kaya tayo nananatiling may diskurso. Kaya ang history ay hindi natatapos isulat dahil may mga bagong lumalabas na datos, may mga bagong lumalabas na kaganapan dahil lahat ng mga historyador ngayon ay wala noong panahon ng kanilang kinukuhaan ng kasaysayan,” aniya.

Ito ay nagsimula nang mag-trending ang isa sa mga cast ng “Maid in Malacañang” na si Ella Cruz dahil sa kanyang controversial statement na “History is tsismis”.

May mga netizens ang hindi nagustuhan ang tinuran ng historian at tila wala daw argumento ang sinabi nito laban sa direktor.

“Gagalitin ninyo kami tapos pag nagalit ako, ako na naman ang masama? Ako na naman? Antagal ko nang kalmado lang di ba pwede magalit naman. Anlakas niyong sabihing hindi ako objective. Kayo na ang objective. Manalamin nga kayo,” sey pa ni Xiao.

Marami naman ang agad na nagtanggol sa historian at sinabing tama naman ang ginawa niyang pagpalag kay Darryl Yap na pilit ibinababa ang mga katulad niya na labis ang inilalaan na oras para sa kanilang propesyon at para rin sa bayan.

Related Chika:
Darryl Yap hindi naniniwalang propesyon ang pagiging historian: Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero…

Vice nag-sorry sa pag-dirty finger kay Vhong sa ‘Showtime’: Bad, bad, bad…that’s very bad!

Ella Cruz sa pagkakakilala sa mga Marcos: Bakit ganu’n nabasa ko sa libro?

Anne Nelson itinama si Darryl Yap: There is nothing in it that says the nuns played mah-jongg with Cory Aquino

Read more...