TRENDING ngayon ang TV personality na si Kuya Kim Atienza matapos kumalat sa Facebook ang screenshot kung saan makikitang tila nabiktima ito ng isang satire page.
Sa naturang screenshot ay makikita ang anunsyo kung saan ang Kapuso TV host na raw ang bagong dean ng College of Education ng isang diumano’y international school na may pangalan na International State College of the Philippines.
Agad naman itong ibinahagi ni Kuya Kim sa kanyang Facebook account para “balaan” ang kanyang FB Fam.
Aniya, “This is a scam, I am not in any way connected to this university if ever there is one. Be careful FB fam.”
Isang netizen naman ang nag-comment sa kanyang post at sinabing “That’s satirical”.
Nag-reply naman si Kuya Kim at sinabing “Are you sure? They are taking in enrolment online.”
Muling sumagot ang netizen at sinabing wala naman daw ganoong school na nag-eexist.
“That school/university does not exist po. That page was created for fun lang po,” sey ng netizen.
Umani naman ng iba’t ibang komento at reaksyon ang naturang post ng TV personality.
Ang iba ay tawang-tawa dahil tila hindi raw na-gets ni Kuya Kim na hindi naman daw totoo ang post.
“Ang cute nga ni kuya Kim eh Katunayan sya na kahit gano ka katalino, nasasabaw ka rin,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Sa sobrang talino pati joke di nya tinanggap.”
“Kuya Kim is too good for us,” dagdag pa ng isa.
Ang iba naman ay ipinagtanggol siya.
“Jokes these days take into another level. Hindi nakakatuwa. Still, people make fun without thinking the person involve’s point of view,” sey ng isang netizen.
Hirit naman ng isa, “Of all the efforts ba naman kase (may logo, uniform, other announcements and stuff) kung napadaan lang talaga ako and not knowing anything mapapaniwala akong totoo e HAHAHAHHA”
Sa ngayon ay burado na sa Facebook account ni Kuya Kim ang naturang post pero kalat na kalat naman ang screenshot nito sa social media.
Related Chika:
Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting
Kim Atienza ‘bugbog-sarado’ sa netizens dahil tweet ukol sa monkeypox: I am deeply sorry
Kuya Kim tinamaan ng COVID-19 kaya naka-isolate; hindi nakadalo sa graduation ng anak