Female celeb, kilalang aktor ilang beses nagparaos sa lock-in taping; dedma sa kanilang mga dyowa Bandera

Female celeb, kilalang aktor ilang beses nagparaos sa lock-in taping; dedma sa kanilang mga dyowa

Reggee Bonoan |August 03,2022
share this

Female celeb, kilalang aktor ilang beses nagparaos sa lock-in taping; dedma sa kanilang mga dyowa

Reggee Bonoan August 03, 2022 - 06:49 PM

Guess, guess who? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

NATULALA kami sa kuwento ng aming source tungkol sa milagrong nangyari sa pagitan ng kilalang aktor at aktres habang nasa lock-in taping.

Ilang beses daw talaga nilang pinagsaluhan ang mga gabing magkasama sila sa taping. Pero ang chika rito, pareho na silang “taken.”

“Kaya hindi rin talaga maganda ang lock-in shoot kasi maraming kababalaghang nangyayari sa set.  Hindi naman din maiiwasan kasi siyempre nami-miss nila ang mga partner nila, e, bawal, so kung sino ‘yung type ang isa’t isa, e, di go,” ang paliwanag ng aming source.

Parehong may pananagutan na kasi sa buhay sina aktor at aktres kaya speechless kami nang marinig namin ang buong kuwento.

Inakala kasi naming nagbago na ang aktres dahil noong dalaga pa siya ay sadyang maraming nali-link sa kanyang guys pero hindi naman niya inaamin.

Si aktor naman ay matagal nang family man na akala namin ay nagbago na rin kasi nga masaya naman siya sa buhay niya ngayon base sa mga ipino-post niya sa kanyang social media accounts.

Iyon pala ay patuloy pa rin sa pagtikim-tikim ang aktor kapag nasa shooting o taping siya ng kanyang mga project.

Napagod na siguro ang asawa ng aktor sa katatalak sa kanya kaya hinahayaan na lang siguro siyang gawin ang gusto niya kapag nasa trabaho. Ang katwiran siguro ni misis ay basta’t sa kanya umuuwi at well-provided sila ay okay lang.

Naawa naman kami sa asawa ni aktres dahil alam naming mabait ito at mahal na mahal siya. Naku, bahala na nga sila sa buhay nila, sana lang hindi mauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila kapag nagkabukingan na.

* * *

Ang saya-saya ni Ketchup Eusebio dahil hindi siya nababakante sa trabaho. Pagkatapos ng “Broken Marriage Vow” ay nasa “Suntok sa Buwan” movie-serye naman siya kasama sina Aga Muhlach at Elijah Canlas na napapanood ngayon sa TV5.

Gagampanan ng komedyante ang karakter na Tonio bilang kakosa ni Aga as Jimmy Boy dahil nakulong siya at nahiwalay na sa anak niyang si Dos na ginagampanan ni Elijah.

Samantala, halatang sobrang happy si Aga sa “Suntok sa Buwan” dahil panay ang post nito ng mga behind the scenes sa social media accounts niya na talagang mega-bonding sila ng buong cast kapag break time.

Ayon kay Aga, happy sa set nila dahil during their break time, masaya silang nakapagja-jamming gamit ang bitbit nilang gitara. Hindi lamang ito in-upload ng aktor sa kanyang Instagram kundi ini-story dahil masaya siyang i-share ang kanilang happy set.

Natupad ang matagal nang request ni Aga na tatanggap lang siya ng series kapag sa Baguio ang location at memorable rin kasi ang lugar para sa aktor dahil dito sila ikinasal ng asawang si Charlene Gonzales noong Mayo 28, 2001.

Anyway, mapapanood ang “Suntok sa Buwan” sa TV5, 7:15 ng gabi mula sa Cignal Entertainment at Project 8.

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending