Kitkat Favia isinilang na si Baby Girl Uno: My life is complete! Thank you Lord! | Bandera

Kitkat Favia isinilang na si Baby Girl Uno: My life is complete! Thank you Lord!

Ervin Santiago |August 03,2022
facebook
share this

Kitkat Favia isinilang na si Baby Girl Uno: My life is complete! Thank you Lord!

Ervin Santiago - August 03, 2022 - 02:47 PM

NANGANAK na ang singer-comedienne at TV host na si Kitkat sa panganay na anak nila ng asawang si Walby Favia.

Yes, certified mommy na nga ang komedyana matapos isilang si Uno Asher na agad niyang ibinalita sa kanyang supporters and social media followers.

Kaninang umaga, Aug. 3, sa kanyang Instagram page, ipinost ni Kitkat ang litrato niya kasama ang kanyang first baby na kuha sa isang ospital.

Aniya sa caption, “My life is COMPLETE. THANK YOU LORD FOR THIS GREATEST BLESSING I PRAISE TRUST HONOR AND LOVE YOU OH LORD. Baby Girl Uno Asher B. Favia.”

Sa mga nagtatanong kung bakit parang panglalaking pangalan ang napili ng mag-asawa para sa una nilang baby, may explanation diyan ang komedyana.

“ASHER from the bible means ‘THE LUCKY ONE, BLESSED and The HAPPY ONE.’ Girl man or boy, ‘yan na talaga ang name hehehe… 1 month palang ako may name na talaga siya,” paliwanag ni Kitkat.

Bumuhos naman ang pagbati para kay Baby Uno Asher mula sa mga kaibigan nina Kitkat at Walby in and out of showbiz.

Sa comments section ng IG post ni Kitkat, bumati sina Zsa Zsa Padilla, Sylvia Sanchez, Claudine Barretto, Yam Concepcion, Patrick Garcia, MJ Lastimosa, Iwa Moto, Vina Morales at marami pang iba.

View this post on Instagram

A post shared by “Kitkat” #ACTRESS #SINGER🇵🇭 (@favkitkat)


Kung matatandaan, mismong  Valentine’s Day ngayong taon nang ibalita nina Kitkat at Walby na magiging mommy at daddy na sila. Abot-langit ang kanilang pasasalamat sa biggest blessing na ibinigay sa kanila ng Diyos.

“Minu-minuto nagpapasalamat kami kay Papa God sa napakalaki at life changing blessing na ito pati milagro.

“At ipinagpapasalamat namin na lahat ng anxieties ko, migraine with aura, vertigo, acid reflux, hypertension, asthma at kung ano ano pa ay ‘di ko talaga nararamdaman simula ng nagbuntis ako!” sey ni Kitkat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Childhood friends sina Kitkat at Walby at binigyan ng chance na magkita uli hanggang sa ma-in love na sa isa’t isa at nagpakasal sa Amerika.

Payo ng doktor kay Kitkat sa ika-7 buwan ng pagbubuntis: Pinagse-sex kami kaso takot ako!

Kitkat bagay maging co-host sa It’s Showtime

Kitkat hindi mapapatawad si Janno: Wala sa bokabularyo ko na bibigyan ng chance ‘yung isang taong ganyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending