3 magkakapatid sabay-sabay na nagpakasal sa Cebu, dedma sa ‘sumpa ng sukob’
NAG-VIRAL sa social media at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang sabay-sabay na pagpapakasal ng tatlong magkakapatid sa Cebu City.
Nitong nagdaang July 26, nagpakasal na sa kanila-kanilang karelasyon sina James, RJ at Princess Go sa kabila ng iba’t ibang pamahiin ng mga Filipino tungkol dito.
Ayon sa isang ulat, pinakasalan ng magkakapatid na Go ang kani-kanilang partners sa iisang petsa at venue na isa raw sa hiling ng kanilang ina.
Base sa Facebook post ni Rev. Fr. Andrei Ventanilla, na siyang nagsilbing officiating priest sa kasal nina James at Faye, RJ at Jenny, at Kenneth at Princess, wala siyang nakikitang problema o issue sa sabay-sabay na pagpapakasal ng magkakapatid.
Sa Saint Joseph the Patriarch Parish naganap ang triple wedding, base pa rin sa FB post ng pari.
Aniya sa caption, “3 Siblings in 1 | Flex ko lang. This is my first time to solemnize a triple wedding of siblings on one occasion which also falls on the Feast of St. Joachim and Anne, the grandparents of our Lord.
“My sincerest thanks to these 3 Siblings: James, RJ and Princess together with your wives and husband: Faye, Jen and Kenneth for this rare yet awesome opportunity.
“You manifested your faith in Christ, the King of kings and Lord of Lords whose power destroys hearsays and superstitions. What a beautiful moment to behold! Indeed, the victory of marriage is the victory of the Church!” sabi pa ng pari.
Marami ang nag-react sa nasabing triple wedding dahil nga sukob raw ang pagpapakasal ng magkakapatid. At ayon sa matandang pamahiin, bawal daw magpakasal ang magkapatid sa loob ng isang taon dahil malas daw.
Ngunit mukhang hindi naniniwala ang magkakapatid sa nasabing pamahiin kaya nga itinuloy pa rin nila ang pagpapakasal kahit sukob ito.
Sabi ni Princess sa kanyang social media post, “Ang dami naming bashers, parang sila naman ang gumastos.”
Kayo ba dear BANDERA reasers, naniniwala pa ba kayo sa sukob?
https://bandera.inquirer.net/285407/doris-balik-tv-patrol-matapos-ang-triple-heart-bypass-surgery-feel-good-pilipinas-umariba-na
https://bandera.inquirer.net/295979/viral-scandal-cast-nabiktima-na-nga-ba-ng-fake-news
https://bandera.inquirer.net/284271/marjorie-kina-claudine-at-greta-its-just-gonna-be-more-peaceful-kung-hindi-bati
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.