Agree ba kayo, nawala na raw ang kinang ni Liza Soberano mula nang magpa-manage kay James Reid? Bandera

Agree ba kayo, nawala na raw ang kinang ni Liza Soberano mula nang magpa-manage kay James Reid?

Reggee Bonoan |August 01,2022
share this

Agree ba kayo, nawala na raw ang kinang ni Liza Soberano mula nang magpa-manage kay James Reid?

Reggee Bonoan August 01, 2022 - 03:47 PM

James Reid at Liza Soberano

“PAKIRAMDAM ko sa kanya, nawala ang kinang niya,” ang sagot ni Romel Chika sa tanong ni Nanay Cristy Fermin kung ano ang masasabi nito ngayon kay Liza Soberano.

Isa ang sikat na aktres sa naging topic sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nina ‘Nay Cristy, Romel at Morly Alinio dahil simula raw nang lumipat ito sa management company ni James Reid dahil sa pangarap na makapasok sa Hollywood ay lumamlam ang karera ng dalaga.

Sang-ayon din kami sa pahayag ng tatlo dahil sa kasalukuyan ay walang project si Liza kaya walang ingay ang pangalan niya kumpara sa mga nakasabayan niyang sina Julia Barretto, Jane Oineza, Janella Salvador at iba pa noong ini-launch siya bilang isa sa New Faces of Star Magic 12 noong 2013.

Sa pagpapatuloy ni Romel, “Sorry sa mga maka-Liza, ako gusto ko si Liza pero hindi ko na siya masyadong napagkikikita na merong ginagawa kundi post-post na lang (sa social media).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


Say naman ni Morly, “Marami siyang sinayang, marami siyang tinanggal o binitawan na dati na niyang hawak pero hinayaang mawala sa kanya.”

“Humulagpos,” sambit naman ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa, “Ako mahal ko si Liza Soberano kasi mahal ko ang manager niya na si Ogie Diaz. Sino man ang mahal ni Ogie Diaz may extension sa puso ko ng pagmamahal.

“Ramdam ko ngayon kasi nagsusulat ako alam ko galaw ng mga diyaryo, ng TV, radyo nawala si Liza Soberano!

“Napapabalita lang siya nu’ng una nu’ng umalis siya sa kandili ni Ogie Diaz dahil suntok sa buwan ‘yung gagawin niyang pagpasok sa Hollywood.

“Suntok sa buwan ‘yung gagawin nila ni James Reid sa pagpasok ng Hollywood. Napakasusuwerte ng mga nakaentra ng Hollywood sana makasama siya ro’n, pero sa tingin ko parang matatagalan,” sabi pa ng vlogger at host.

Marami nga raw nagtangkang pasukin ang Hollywood na nabigo at bumalik na lang ng Pilipinas.

But in fairness naman to Liza ay nag-viral kamakailan ang TikTok at Instagram collab nila ng ilang K-Pop idols, idagdag pa ang TV guesting niya sa Korea.

Sabi naman ni Morly, “Sana by this time ay hindi mabigo si Liza kasi dangal ng Pilipinas na siya ay mapabilang sa Hollywood.”

Nasabi rin ni ‘Nay Cristy na ramdam na ramdam niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kasalukuyang umeere ang seryeng “2 Good 2 Be True” na napapanood sa iWant TFC at Kapamilya Online.

Say ulit ng batikang manunulat at online host, “Ramdam ko kasi una mayroon silang serye (nakikita sa commercials sabi ni Romel), oo may TVC. Ramdam ko nga rin si Nadine (Lustre), eh.”

Mabilis na sabi ni Romel, “In fairness!”

“Uy alam n’yo nag-topless siya!” singit naman ni Morly.

At ang dating tinitilad-tilad ni ‘Nay Cristy sa kanyang radio show na “Cristy Ferminute” at sa “Showbiz Now Na” vlog na si Andrea Brillantes ay mahal na niya ngayon.

“Ay lalong napalapit sa puso ko si Andrea Brillantes sa dami ng pitik na ginagawa ko hindi nakalimot nu’ng kaarawan ko! Anak maraming salamat sa iyo,” pahayag nito sa aktres.

Oo nga, napansin namin na sa rami ng kaliwa’t kanang bira kay Andrea ay hindi siya nagtanim ng galit sa mga ito, isa-isa niyang sinasagot lang para ipaliwanag ang kanyang panig at wala kaming natandaang nagtaray siya — pasaway lang talaga.

Bukod kay Andrea na ramdam ni nanay na sikat ay ang mga dating kasamahan niya sa The Gold Squad na sina Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri na may show din na “Beach Bros” na napapanood din sa IWantTFC.

“Pero ‘yung Liza Soberano biglang-biglang nawala, pak! Tama si Morly maraming sinayang. Hindi ko na nararamdaman ang LizQuen. Sana inalam muna niya (Liza) ang tamang daan papasok doon bago siya bumitiw dito.

“Sana pahalagahan niya ‘yung karera na binuo niya rito nilang dalawa ni Ogie Diaz sa Pilipinas na talagang Liza Soberano siya.  Nalampasan pa nga nila ‘yung ibang love team, eh. Pero ngayon ramdam ko na umaandap-andap ‘yung kandila,” pahayag ni ‘Nay Cristy.

Sabi naman ni Morly, nakita ni Ogie na masaya ang dating alaga kaya masaya rin na siya para sa aktres.

Liza never lumandi, hindi basta-basta pumapatol sa lalaki; Ogie walang sama ng loob kay James

Janella nawala ang self-confidence matapos isilang si Baby Jude: Lalo na pag humaharap ako sa salamin

Diether 7 taon nawala sa showbiz, naging choosy na ba sa projects?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending