Rowena Guanzon may patutsada sa isang pelikula, lalangawin daw sa sinehan?
MULI na namang nag-trending ang dating Comelec Commissioner at P3PWD Rep. Rowena Guanzon sa social media dahil patutsada nito ukol sa isang sine.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang kanyang opinyon patungkol sa isang sine na libre ang tiket.
“Kahit libre ang ticket sa sine na yan lalangawin,” saad ni Guanzon at gamit pa rin nito ang kanyang hashtag na “#bardagulan”.
Kahit libre ang ticket sa sine na yan lalangawin. #bardagulan
— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) July 29, 2022
Marami sa mga netizens ang nag-react sa naturang tweet ng dating Comelec commissioner.
Samu’t sari naman ang mga naging komento ng mga netizens sa naging tweet ng dating Comelec commissioner.
“Baka kailangan pang samahan ng pamasahe or pang-gas ng motor para manood. Kailangan din siguro pabaunan ng pambili ng pop corn,” saad ng isang netizen.
Suhestiyon naman ng isa, “Dapat libre narin ride sa manunuod. mag message lang may service,, tapos hatid din pag uwe. suradong puno yan.”
May mga nagtatanggol naman sa pelikula na hindi naman nabanggit ni Guanzon kung ano.
“Ayan ka na naman sa prediction mo. Kaya nga natalo kayo e. Hahahahaha,” sey ng isang netizen.
Hirit pa ng isa, “Wehhh??? Pag inggit pikit lalo na kapag followers ng kampon ng dilawang naging pinklawan.”
Ang hinuha ng mga netizens ay ang pelikula ni Darryl Yap ang tinutukoy nitong “lalangawin”.
Kapansin-pansin rin sa mga replies sa tweet ni Guanzon ang diumano’y kumakalat sa social media na namimigay raw ng libreng tickets para sa pelikulang “Maid in Malacañang”.
Base sa mga comments na may kasama ring mga larawan, may mga libreng tickets na ipinadala sa isang eakwelahan ngunit ibinalik rin daw ito at hindi tinanggap.
Meron ring mga nagsasabing inire-require daw ang panonood ng pelikula sa mga empleyado ng isang kumpanya.
Wala pa namang inilalabas ang kampo ng “Maid in Malacañang” ukol sa isyung ito.
Samantala, nagpakita naman ito ng pagsuporta sa pelikulang “Katips” na ipalalabas rin sa Agosto 3.
“Best movie in Singapore Cinema Festival . Panoorin nyo,” sey ni Guanzon kalakip ang poster ng pelikula.
Related Chika:
‘Bardagulan’ hirit ni Rowena Guanzon: Pinapasuweldo ko nang maayos ang mga kasambahay namin
Darryl Yap may hugot sa ‘matanda’: ‘Yung iba gurang, ‘yung iba walang pinagkatandaan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.