Lola sa Pangasinan nagdiwang ng ika-106 kaarawan; ano nga kaya ang sikreto sa mahabang buhay?
KNOWS n’yo ba ang sikreto sa mahabang buhay ng isang lola sa Pangasinan na nagdiwang na ng kanyang ika-106 kaarawan last week?
Ibinandera ng apo ni Lola Segundina Laforteza Quinto sa social media na masayang-masaya at malakas pa rin nitong ipinagdiwang ang kanyang 106th birthday last July 10.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Gerald Quinit sa madlang pipol ang ilang litrato na kuha sa birthday party ng kanyang lola na ginanap sa bahay nila sa Calasiao, Pangasinan.
Sabi ni Gerald, si Lola Segundina ang kinikilala ngayong “Oldest Citizen in Calasiao.
Ayon pa kay Gerald, sa edad ng kanyang lola ay may pagbabago na rin sa memorya nito pero malinaw pa rin nitong naikukuwento ang mga alaala niya kasama ang mga anak at apo.
“She would always tell us the story of how the Japanese soldiers arrived during the harvest season of tomatoes in their field and they would hide.
“They sort of having this secret passage (tunnel) where they would hide until the Japanese soldiers were gone,” kuwento ng apo ni Lola Segundina.
Sa bilang ng kanyang pamilya, merong 10 anak si Lola, 39 na apo, at 64 na apo sa tuhod.
At dahil sa pagiging living centenarian, nakatanggap na si Lola Segundina ng cash incentives at iba’t ibang award mula sa local government units, national government agencies, at sa provincial government ng Pangasinan.
Ang kanya namang asawa na si Joaquin ay pumanaw noong 84 years old ito.
Sabi ni Lola Segundina, malamang daw ang sikreto sa mahaba niyang buhay ay ang pag-iingat niya sa pagkain. Madalas daw kasi ang kinakain niya ay mga gulay at prutas kahit pa noong kabataan niya.
Bukod dito, regular din siyang nag-i-stretching sa kanilang bahay bilang ehersisyo. Kering-keri pa rin daw ni Lola Segundina ang magrosaryo at mag-novena araw-araw.
Ito naman ang birthday wish ni Gerald para sa kanyang lola, “May you live long healthy and effortlessly.”
https://bandera.inquirer.net/313393/marian-dingdong-solid-na-solid-ang-pagsasama-anong-sikreto-sa-7-taong-relasyon-bilang-mag-asawa
https://bandera.inquirer.net/290292/angeline-pangarap-maka-graduate-ng-college-gustong-magtayo-ng-resto-sa-pangasinan
https://bandera.inquirer.net/301456/tito-sen-ibinuking-ang-sikreto-ni-bossing-yun-ang-kauna-unahang-napaiyak-ako-ni-vic-2
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.