Hidilyn Diaz napili sina Leni Robredo, Manny Pacquiao, MVP bilang principal sponsors sa kasal
TALAGA namang uulan ng malalaking pangalan at personalidad ang magiging kasal ng first Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz at ng longtime boyfriend nitong si Julius Naranjo.
Isa sa mga naglalakihang pangalan sa listahan ng soon-to-be married couple ay ang dating Bise Presidente at Angat Buhay chairperson Leni Robredo bilang isa sa kanilang principal sponsors.
Sa Instagram post ng manager na si Noel Ferrer ay makikitang personal nilang binisita ang dating vice president para imbitahan ito sa kanilang kasal.
Bukod kay Atty. Robredo ay makikita rin sa listahan ng mga principal sponsors o ninong at ninang sa kasal nina Hidilyn at Julius ang dating senador na si Manny Paquiao at ang mga business tycoons na sina Manny Pangilinan, Ramon Ang at Teresita Tan Sy-Coson.
View this post on Instagram
Maging sina Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino at PBA chairman Ricky Vargas ay kasama sa principal sponsors pati na rin ang celebrity doctor na si Vicki Belo at award winning actress na si Judy Ann Santos.
Ilan pa sa malalaking pangalan na kasama sa entourage nina Hidilyn at Julius ay si Angel Locsin bilang kanilang matron of honor habang nasa listahan naman ng bridesmaids si Iza Calzado.
Samantala, ang gagawa naman ng wedding gown ng Philippine athlete ay ang Filipino renowned designer na si Francis Libiran.
Nakatakdang ikasal ang dalawa sa Philippine Military Academy sa Baguio City ngayong darating na Martes, July 26, saktong isang taon matapos niyang makamit ang kauna-unahang gold medal para sa Pilipinas sa Tokyo Games.
Matatandaang Oktubre 2021 nang mag-propose si Julius kay Hidilyn sa isang hotel sa Metro Manila.
Unang nagkakilala ang dalawa taong 2017 noong ganapin ang Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turkmenistan.
Related Chika:
#WowMali: Jinkee Pacquiao nalito sa pag-congratulate kay Hidilyn Diaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.