Kylie Padilla deadma sa pagbubuntis daw ni AJ Raval; may patikim sa project nila ni Gerald Anderson | Bandera

Kylie Padilla deadma sa pagbubuntis daw ni AJ Raval; may patikim sa project nila ni Gerald Anderson

Therese Arceo - July 20, 2022 - 09:34 PM

Kylie Padilla deadma sa pagbubuntis daw ni AJ Raval; may patikim sa project nila ni Gerald Anderson
TILA deadma lang ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa kabila ng bali-balitang buntis ang sexy actress na si AJ Raval.

Si Cristy Fermin mismo ang nagkumpirma ng balitang ito sa kanyang online showbiz vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Morly Alinio.

Ayon sa kolumnista ay ang aktor na si Aljur Abrenica raw ang ama ng dinadala ni AJ na siyang estranged husband ni Kylie.

Wala pang direktang kumpirmasyon kung ano nga ba ang tunay na namamagitan kina Aljur at AJ pero mukhang in a relationship na nga ang dalawa lalo na kung totoo ang balitang ang aktor nga ang ama ng dinadala ng batang aktres.

Ngunit sa kabila ng mga bulung-bulungan ng mga “Marites” ukol sa pagbubuntis ni AJ ay tila wala namang pakialam si Kylie sa kasalukuyang isyu ng dating asawa.

Matatandaang isa sa mga kontrobersyal na couple noong 2021 na sina Aljur at ang anak ni Robin Padilla nang pumutok ang balitang hiwalay na sila.

Mismong ang ama pa ni Kylie ang siyang nagbalita nito sa madlang pipol.

Marami ang mga pangalang nadawit na diumano’y naging dahilan kung bakit tuluyan nang nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay.

Hanggang pati ang pangalan ni AJ ay nadawit na rin sa Kylie-Aljur break up matapos mapagtanto ng mga netizens na may pagkakahalintulad ang larawan nina AJ at Aljur na kuha sa kwarto ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)

Nilinaw naman ni AJ na parehas silang single noon at wala naman siyang inaagaw sa kung sino. Noong nanligaw raw sa kanya ang aktor ay hiwalay na si Aljur sa asawa.

Nilinaw naman ni Kylie na walang kinalaman ang sexy actress sa kanilang paghihiwalay at hindi ito ang third party.

“I actually wanted to talk to her. Napagdaanan ko rin ‘yan. I want to talk to her to help her how to handle that. Siya ‘yung bagong nililigawan, e. I’ve been on that side. But I wish sana iningatan na lang nila. I wish you guys were careful,” saad ng aktres.

Speaking of Kylie, nag-post naman ito ukol sa bagong proyekto kung saan pagbibidahan nila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang ilang larawan na kuha sa shooting nila ng bagong pelikula na pinamagatang “Unravel”.

“One thing I can say without saying too much is this character scared me but this story already holds a special place in my heart. See you soon Lucy. #UNRAVEL,” sey ni Kylie sa kanyang IG post.

Sa ngayon ay nasa Switzerland ito para sa shooting ng kanilang pelikula na tungkol sa mga OFW.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending