Pamilya ni Mars Ravelo puring-puri si Jane de Leon, aprub sa bagong costume ni Darna: Yes, the best! | Bandera

Pamilya ni Mars Ravelo puring-puri si Jane de Leon, aprub sa bagong costume ni Darna: Yes, the best!

Ervin Santiago |July 19,2022
facebook
share this

Pamilya ni Mars Ravelo puring-puri si Jane de Leon, aprub sa bagong costume ni Darna: Yes, the best!

Ervin Santiago - July 19, 2022 - 07:42 AM

Jane de Leon

HINDI lang ang mga fans at social media supporters ni Jane de Leon ang excited sa kanyang paglipad very, very soon bilang bagong Darna sa telebisyon.

Abangers na nga ang madlang pipol sa nalalapit na pag-ere ng “Darna The TV Series” sa ABS-CBN kung saan bibida nga si Jane — ang masuwerteng napili bilang tagapagmana ang mahiwagang bato ng iconic Pinay superhero.

In fairness, talagang viral at trending ang unang trailer nito kung saan ipinasilip nga ang umaatikabong action scenes na mala-Hollywood ang datingan.

Bukod kay Jane, ipinakita rin sa trailer ang iba pang celebrities na makakasama sa bagong TV version ng “Darna” tulad nina Iza Calzado, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, at Janella Salvador na siyang gaganap bilang si Valentina.

Tuwang-tuwa rin ang pamilya ng iconic comic artist na si Mars Ravelo na siyang lumikha kay Darna nang makita nila ang pasabog na trailer ng upcoming action-fantasy-drama series ng Kapamilya Network na inaasahang lilipad na ngayong Agosto, sa direksyon ni Chito Roño.

“Goosebumps! Kasi talagang malaki ang promise ng TV series because of the trailer, nakikita mo na talaga ‘yung series,” reaksyon ni Rex Ravelo, anak ni Mars Ravelo, sa isang interview.

Dagdag pa niya, “It’s hard to explain the feelings that we have kasi, parang hindi na totoo e, it’s really amazing, it’s amazing that the magic of Darna is still here.”

Sey pa ni Rex, super happy and grateful sila dahil hanggang ngayon ay love na love pa rin ng mga Pinoy si Darna, lalo na ng bagong henerasyon.

“Well it’s overwhelming. Hindi talaga kami makapaniwala na after all these years, ang support ng Darna is still there.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“It doesn’t matter how old you are, or kahapon ka lang ipinanganak, kilala mo na si Darna. And it’s very, very nice and very fulfilling kasi there’s a Filipino pride e, sa gitna ng superheroes ng Hollywood, here comes Darna na tanggap na tanggap ng Filipino,” pahayag pa ni Rex.

Nagkaharap at nagkausap na si Rex at si Jane sa naganap na 2022 Toy Convention sa SM Megamall kamakailan. Dito, talagang pinuri ni Rex ang dalaga bilang bagong Darna.

“Believe it or not, first time ko na-meet si Jane today. Because of the pandemic we don’t have the chance to meet.

“Of course we want to meet, but because of the constraints, it never happened. Now we are very, very happy to meet her in person kasi talagang bagay siya as Darna,” sabi ni Rex na aprubado at super impressed sa ginawa ng ABS-CBN.

“It’s not really nabago, it’s just updated. Hindi pwedeng hindi i-update ang story kasi the story was 73 years old so lahat ng changes sa story, they’re all in line with the Ravelo Family,” sabi pa ng anak ni Mars Ravelo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong naman kung aprub din sa kanila ang bagong costume ni Darna, “Yes! The Best!”

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Jane de Leon biglang naiyak nang isuot na ang Darna costume: Parang doon lang nag-sink in sa akin na this is it!

Jane de Leon pinayuhan ni Angel Locsin: Ready dapat ako anytime!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending