Karl Medina madalas mapagkamalang galit, nagpaka-sugar daddy sa 'Tahan' | Bandera

Karl Medina madalas mapagkamalang galit, nagpaka-sugar daddy sa ‘Tahan’

Reggee Bonoan |July 17,2022
facebook
share this

Karl Medina madalas mapagkamalang galit, nagpaka-sugar daddy sa ‘Tahan’

Reggee Bonoan - July 17, 2022 - 01:13 AM

Karl Medina madalas mapagkamalang galit, nagpaka-sugar daddy sa 'Tahan'
SAYANG at late na naming nabasa ang panawagan ni Alex Medina, ikalawang anak ng beteranong aktor na si Pen Medina sa kanyang Instagram account na ‘A CALL FOR CHARITY FOR PEN MEDINA’ na sana ay natanong namin ang ikatlong anak nitong si Karl Medina tungkol sa ama.

Kasama si Karl sa pelikulang “Tahan” na mapapanood sa Vivamax sa Hulyo 22.

Sa mga anak ni ginoong Pen na umaarte rin sa harap ng kamera ay si Karl ‘yung low-profile, tahimik at kapag hindi tinanong ay hindi magsasalita, pero kapag napanood mo na, iisa ang iisipin mo, ‘anak nga ito ni Ping.’

Para naman kasing bawal ang hindi marunong umarte kapag sinabing anak ni ginoong Pen.

Anyway, ginagampanan ni Karl ang karakter na sugar daddy ni Cloe Barreto. Ito rin ang nagbabayad ng malaking bahay ng dalaga, lahat ng bills at pangangailangan ay ibinibigay nito huwag lang siyang mangangaliwa.

Pero dahil bihirang dumalaw si Karl bilang si Christian sa bahay ni Cloe as Elise ay tumatanggap pa rin siya ng booking para may pang ekstra siyang gastos para sa bisyo ng nanay niyang si Jacklyn Jose as Nora at panggastos din nito para sa mga kaibigan at pambili ng droga.

Nang malaman ni Karl o Christian na niloloko siya ni Cloe ay nasaktan niya ito ng todo kahit mahal na mahal niya dahil pagkalalaki na niya ang natapakan.

At dito malalaman kung anong nangyari sa kanya na nagsimula na rin ng twist sa kuwento ng “Tahan”.

Sa tanong kung paano magalit si Karl, “ano mga 5% lang ‘yung nakita n’yo (sabay bawi), joke lang! Ako naman kasi naniniwala na kapag high emotions ka kaya ninyo pa rin mag-usap, so, bihira akong nagagalit but yes tao rin kaya nagagalit din pero hindi ako nanakit, sobrang no-no sa akin ‘yun.”

Sabi nga nila kapag tahimik ang tao at nagalit ito ay asahan mong matindi pero si Karl ay naniniwala kaming in between.

Ang ibang cast ay natanong din kung paano sila magalit, sabi ni AJ Oteiza, “mukha lang po akong laging galit, pero sa kabaligtaran po sa akin hindi ako marunong manakit lalo na pag babae dahil alam ko sa sarili ko na ang nanay (natin) ay babae.

Sang-ayon naman si Quinn Carillo sa sinabi ni AJ na siya rin ay napagkakamalang laging galit, “Mukhang maldita raw ako, it’s my resting bitch face but I’m really not, sweet girl po ako, pero sa totoong buhay pag galit ako, umiiyak na lang ako sa inis doon ko inilalabas.”

Say naman ni Cloe, “ganu’n nga po (nanaksak ala Chucky doll), joke. Hindi po ako marunong magalit, ano iiyak lang nang iiyak hagulgol, ganu’n. Hindi po ako nagagalit.”

Kakaiba naman ang istilo ni JC Santos, “pag ako po nagagalit, sarcastic, ‘yun lang.”

Ang “Tahan” ay mapapanood sa Vivamax sa Hulyo 22 produced ng 316 Media Network at ni John Bryan Diamante.

Related Chika:
Asawa ni JC Santos walang reklamo sa pakikipag-love scene niya sa pelikula: I think hindi naman siya nao-offend

Pen Medina sasailalim sa surgery, pamilya humingi ng tulong para sa pagpapagamot ng aktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pen Medina binanatan matapos sabihing hindi epektib ang face mask kontra COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending