4 na transgender hindi pinayagang magmartsa sa kanilang graduation, pero…
IKINALUNGKOT ng apat na graduating senior high school students ang pagbabawal sa kanila na magmartsa sa graduation ceremony ng kanilang mga paaralan.
Ang mga estudyanteng sina Nicole Reyes, Kendy Glatero, Jade Brittany Gozo at Rey Bergado ay mga transgender woman. Babae ang turing nila sa kanilang sarili kahit isinilang silang mga lalaki.
Ayon sa apat na estudyante, hindi raw sila pinayagan ng kanilang respective schools na magmartsa kung hindi nila susundin ang tamang dress code sa pag-attend ng graduation.
Una naming nakita sa Facebook account ng transwoman ding si Mela Franco Habijan, na isa ring LGBTQIA+ rights advocate, ang kuwento tungkol sa apat na graduating students.
Ani Mela sa kanyang post noong June 26, “Sadly, they aren’t going to their graduation ceremonies on Monday, June 27, for they aren’t allowed to come in dresses and they are required to cut their hair.
“They’ve been told, ‘Formal event yun!’ ‘Hahaba naman ulit yan (kapag pinagupit ang buhok)!’ ‘Tanggap naman namin kayo, pero…’” sabi pa ni Mela.
Mabilis na nag-viral ang mga post ni Mela at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May mga umalma pero meron ding mga sumang-ayon sa desisyon ng mga school na pinapasukan ng apat na estudyante.
Sa napapanood naming report ng programang “Good News” sa GTV hosted by Vicky Morales noong July 2, nagsalita si Nicole hinggil sa issue.
“Nalungkot po ako kasi tine-take away po sa amin yung pagkakataon na i-celebrate yung pinaghirapan namin.
View this post on Instagram
“Napag-usapan na female and males should wear formal clothes. At base po doon pag kami ay magsusuot din ng male attire.
“So ang susuutin po namin long-sleeves, black pants, black shoes and nakatali po yung buhok with necktie.
“So ako, nag-ask na magsuot ng dress and heels kasi naiiba po ako doon sa linya po ng boys since I’m trans po,” sabi pa niya na tanggap na tanggap naman ng kanyang pamilya.
Ayon naman kay Kendy, talagang kinarir nila ang kanilang pag-aaral ngayong panahon ng pandemya.
“Tapos nu’ng time po ng graduation po namin, gusto lang po namin maging comfortable, pero hindi po nila kami pinayagan kaya sobrang disappointed po ako.
“Sobrang hinintay po namin yung time na iyon tapos sobrang tagal po naming pinaghirapan iyon,” paglalabas pa niya ng saloobin.
Sey naman ni Rey, “Malungkot po kasi pinaghirapan po namin ng two years yung senior high school po namin tapos hindi po kami papayagan na suotin yung damit na komportable kami during the ceremony.”
Ito naman ang paliwanag ni Jade, “Siyempre po nakakapanlumo kasi matagal mo naming pinaghirapan iyon matagal po kami sa high school.
“Lahat po talaga bawal. Bawal yung mahaba yung buhok kasi ano kailangan pagupitan, then yung cross dresser bawal din po,” dagdag pa niya.
Ngunit nang malaman ng mga estudyante ang isang Department of Education (DepEd) Policy na nangangalaga sa kanilang mga karapatan, nagkaroon sila ng lakas ng loob na ipaglaban ang kanilang pinaniniwalaan.
Ang tinutukoy nila ay ang Gender Responsive Basic Education Policy Order No. 32, Series of 2017 kung saan nakasaad na dapat ay walang diskriminasyon sa mga mag-aaral pagdating sa usaping gender identity, gender expression, and sexual orientation.
View this post on Instagram
Kasunod nito, sinabi ng guro nina Nicole, Kendy at Rey, na misunderstanding lamang ang nangyari at pinayagan din ng paaralan na magmartsa ang tatlo suot ang mga damit na nais nila.
Si Jade naman ay sinabihang itali ang buhok at magsuot ng damit panlalaki sa kanyang graduation.
Samantala, natuwa naman si Mela sa naging aksyon ng school at okay na rin ang nangyari dahil “na-reiterate ng DepEd na may Gender Responsive Education Policy.”
https://bandera.inquirer.net/311516/neri-miranda-nagtapos-na-ng-kolehiyo-may-kwelang-graduation-picture
https://bandera.inquirer.net/317111/lorma-colleges-nakisimpatya-sa-estudyanteng-hindi-pinagmartsa-sa-graduation-wala-raw-intensyong-manghiya
https://bandera.inquirer.net/317152/estudyanteng-hindi-pinagmartsa-sa-graduation-ayaw-pang-makipag-usap-sa-school-president-i-felt-robbed-its-traumatizing
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.