Bea kering-kering harapin si Gerald kapag nagkita uli: Kasi ako yung walang ginawang masama | Bandera

Bea kering-kering harapin si Gerald kapag nagkita uli: Kasi ako yung walang ginawang masama

Ervin Santiago |July 11,2022
facebook
share this

Bea kering-kering harapin si Gerald kapag nagkita uli: Kasi ako yung walang ginawang masama

Ervin Santiago - July 11, 2022 - 09:20 AM

Gerald Anderson at Bea Alonzo

TAAS-NOONG makakaharap ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson kung sakaling magkrus muli ang kanilang landas.

Ayon kay Bea, handa raw siya kung darating man ang araw na magkakasalubong sila ng isa sa kanyang mga ex-boyfriend.

Ito ang sinabi ng girlfriend ni Dominic Roque nang matanong sa podcast ni Nelson Canlas kung ready ba siyang makaharap muli ang isa sa kanyang mga naging dyowa.

Wala mang binanggit na pangalan ang premyadong aktres, naniniwala ang lahat na si Gerald ang tinutukoy niya dahil ito lamang ang naging ex niya na naging kontrobersyal dahil nga hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

Ipinagdiinan ng dalaga na wala siyang ginawang masama para ma-tense o mailang sa tinutukoy niyang ex-boyfriend at wala rin siyang dinadala sa kanyang kunsensiya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“I will just hold my head up high kasi ako yung walang ginawang masama.

“And just, you know, walk straight, I guess, kasi hindi ikaw yung maiilang kasi ikaw yung walang bagahe sa konsensya mo, e,” paliwanag ng leading lady ni Alden Richards sa upcoming Kapuso series na “Start-Up PH.”

Ngunit pahabol ng aktres, hindi raw siya babati o maghe-hello sa tinutukoy niyang lalaki dahil hindi naman sila friends at matagal na silang walang koneksyon.

Matatandaang matagal naging headline ang breakup nina Bea at Gerald noong 2019 dahil sa “ghosting” issue. Inamin ng aktres na bigla na lang daw nawala si Gerald nang walang paliwanag.

Sa interview naman ni Barbie Forteza kay Bea para sa kanyang vlog sa YouTube, nabanggit ng aktres na isa lang daw sa mga ex-boyfriend niya ang ayaw niyang makatrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala ring binanggit na pangalan si Bea pero sa tono ng pananalita nito ay si Gerald nga ang tinutukoy niya dahil maayos naman ang relasyon niya sa isa pa niyang ex na si Zanjoe Marudo.

Bwelta ni Andrea kay Derek: If he truly respects me and my family, let us have our peace…

Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Nadine game pa ring makatambal si James sa bonggang project; may mensahe sa mga loyal fans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending