Herlene Budol ipinakilala ang pinakamalapit na kandidata sa Bb. Pilipinas 2022 | Bandera

Herlene Budol ipinakilala ang pinakamalapit na kandidata sa Bb. Pilipinas 2022

Therese Arceo |July 09,2022
facebook
share this

Herlene Budol ipinakilala ang pinakamalapit na kandidata sa Bb. Pilipinas 2022

Therese Arceo - July 09, 2022 - 10:17 PM

Herlene Budol ipinakilala ang pinakamalapit na kandidata sa Bb. Pilipinas 2022
IBINANDERA ng vlogger at aspiring beauty queen na si Herlene Budol kung sino sa kanyang mga kapwa Bb. Pilipinas 2022 candidates ang talagang ka-close niya.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay ibinahagi niya ang mga ganap nang magkaroon sila ng press presentation para sa beauty pageant na sinalihan.

Pagkukwento ni Herlene, may nagtanong raw sa kanya mula sa mga press kung sino nga ba ang pinakamalpit niyang kaibigan sa kandidata ng Bb. Pilipinas 2022.

Aniya, lahat naman daw kasi ay ka-close niya pero si Anna Valencia ng Bataan ang kanyang “kakaibang friend”.

“Si Anna kahit hindi kami nag-uusap, nag-uusap kami through heart na lang. Mag-i-start lang yang usapan na yan ng ‘hey girl!’ tapos kapag uwian na ‘goodbye, girl!’ pero whole day magkatabi kami. Hindi kami nag-uusap,” kwelang saad ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Heart to heart lang kami kasi ayoko nang pahirapan namin ang isa’t isa. Siya hindi marunong mag-Tagalog, ako hindi marunong mag-English. Tigilan na lang natin ito. Huwag na tayong maglokohan.”

Saglit na in-interview ni Herlene si Anna at kahit nahihirapang mag-ingles si Hipon Girl ay makikitang naiintindihan siya ng kaibigan.

“Honestly, I like Herlene from the start because she was real and then people told me she is famous. She’s so real. She’s honest and that’s what I like about her,” sey ni Anna.

Tanong pa ni Hipon Girl, kahit raw ba wala na sila sa Bb. Pilipinas ay mananatili pa rin ba ang komunikasyon sa pagitan nila na sinagot naman ng oo ni Anna.

Ngunit pabirong nilaglag ni Herlene ang dalaga at sinabing one week na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya nire-replayan nito sa Instagram.

“That’s why we are friends. We are not competitors but we’re not compatible [to] each other that’s why we love each other,” nakakatawang sey ni Herlene.

Umalma naman si Anna sa statement ni Hipon Girl kaya in-explain ng huli ang kanyang ibig sabihin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

“No, I don’t understand you, you don’t understand me. We’re so opposite. We’re the same vibes but we don’t know each other talaga,” hirit ni Herlene.

Nagkasundo rin ang dalawa na magko-collab sila in the future kung saan ipapakilala niya si Anna sa iba pang mga artista.

Related Chika:
Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending