'Tuwang-tuwa ako na nasampal ako ng isang Jaclyn Jose!' - Cloe Barreto | Bandera

‘Tuwang-tuwa ako na nasampal ako ng isang Jaclyn Jose!’ – Cloe Barreto

Ervin Santiago |July 07,2022
facebook
share this

‘Tuwang-tuwa ako na nasampal ako ng isang Jaclyn Jose!’ – Cloe Barreto

Ervin Santiago - July 07, 2022 - 07:25 AM

Cloe Barreto at Jaclyn Jose

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang palabang sexy star na si Cloe Barreto na nakasama niya sa pelikula ang Cannes best actress na si Jaclyn Jose.

Hiyang-hiya raw talaga siya sa award-winning veteran actress nang una niya itong makaharap sa shooting ng bagong Vivamax original movie na “Tahan”.

Unang nagbida si Cloe pelikula ni Joel Lamangan na “Silab” at napanood din sa isang episode ng sex-drama digital series na “L” kung saan nakatambal niya ang premyadong sexy actor na si Vince Rillon.

“I’m very excited with ‘Tahan’ kasi first time ko to work with Ms. Jaclyn Jose, JC Santos and Direk Bobby Bonifacio.

“First time ko ring gumawa ng  psycho-thriller. Ako dito si Elise, isang escort girl na ibinubugaw ng sarili niyang ina (ginagampanan ni Jaclyn). Tapos isa-isang namamatay ang mga lalaking nakaka-sex ko, with my mom as the killer,” kuwento ng dalaga.

Tinanong si Cloe kung kumustang katrabaho si Jaclyn, “Sobrang idol ko si Ms. Jaclyn sa acting, so nung una ko siyang makaharap, nahihiya ako. Na-starstruck ako.

“Dahil first time ko siya maka-work, I told her na idol ko siya at nahihiya ako sa kanya.Sabi niya, huwag ka mahiya, then she kissed me on the forehead to relax me.

“Sobrang bait niya, so hindi na ako kinabahan doing scenes with her. May scene na sinampal niya ako at natuwa akong nasampal ako ng isang Jaclyn Jose, best actress sa Cannes filmfest.

“Ang dami niyang itinuro sa akin kaya thank you po talaga sa kanya, sana makatrabaho ko po siya uli sa next projects ko sa Viva,” aniya pa.

Sabi ni Cloe, pinayuhan din siya ni Jaclyn kung paano mas magiging madali at epektib ang mga ginagawa niyang sex scenes.

“She told me na sa bedscenes, umpisa pa lang, gawin mo na nang maayos kasi kung hindi, ipapaulit lang sa’yo. So I learned na dapat, ibigay mo na agad ang hinihingi ng director para take one lang lagi ang sex scenes.

“I also learned from Ms. Jaclyn the importance of being more open to your co-stars. This helps for you to have a good  exchange ng ideas para mas mapaganda ang mga eksena ninyo,” sey ng sexy star.

“They’re all there to help me. Noong una, kabado ako sa movie kasi ang hihirap ng mga eksena. Pero nakaya ko naman palang gawin, kasi lahat sila sumusuporta sa akin. I’m happy na maganda ang feedback sa trailer namin,” dagdag pa ni Cloe.

“Sobrang sexy nitong ‘Tahan’ at mas daring ito sa ibang mga nagawa ko na before. I’m very proud of this movie kasi hindi lang siya puro hubaran. Very challenging din sa actingan,” paniniguro pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Tahan” sa July 22 sa Vivamax mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio at sa panulat ni Quinn Carillo na isa rin sa members ng cast.

Cloe Barreto mapapalaban ng aktingan kina Jaclyn Jose at JC Santos

Direk Joel bilib sa tapang ni Cloe Barretto sa paghuhubad: Para siyang si Jaclyn Jose

Julia, Gerald magsasama kayang muli sa isang pelikula?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending