Alison Black pasok sa Top 10 ng Miss Supranational 2022 'Supra Fan Vote', nasa Top 6 din ng talent competition | Bandera

Alison Black pasok sa Top 10 ng Miss Supranational 2022 ‘Supra Fan Vote’, nasa Top 6 din ng talent competition

Ervin Santiago |July 06,2022
facebook
share this

Alison Black pasok sa Top 10 ng Miss Supranational 2022 ‘Supra Fan Vote’, nasa Top 6 din ng talent competition

Ervin Santiago - July 06, 2022 - 05:39 PM

Pinay beauty queen Alison Black pasok sa Top 10 ng Supra Fan Vote ng Miss Supranational 2022

PASOK sa Top 10 ng pinakamaraming fan votes ang representative ng Pilipinas na si Alison Black sa ginaganap na pre-pageant ng Miss Supranational 2022.

Isa si Alison sa mga official candidates ng nasabing international pageant “with the most number of online votes” tinawag nilang “Supra Fan Vote”.

Ito’y base na rin sa inilabas na art card ng organizers ng Miss Supranational ngayong araw sa kanilang official social media accounts.

Ang siyam pang kandidata na kasama ng Pinay beauty queen sa Top 10 ay ang mga kandidata mula sa China, El Salvador, India, Indonesia, Japan, Kenya, Malaysia, Netherlands at Zambia.

Ang resulta ng Supra Fan Vote ay ibinase sa mga bumoto sa pamamagitan ng Miss Supranational app.
Ang mananalo rito ay sigurado nang makakapasok sa Top 12 ng Miss Supranational 2022 grand coronation night na gaganapin sa Nowy Sacz, Poland sa darating n July 15 (umaga ng July 16 sa Pilipinas).

View this post on Instagram

A post shared by Alison Black (@alisonblack_)


Samantala, bukod sa pagpasok sa Top 10 ng Supra Fan Vote, nasa Top 6 din si Alison ng Miss Supranational 2022 talent competition.

Nauna rito, ibinalita ng dalaga ang pagdating niya sa Poland sa pamamagitan ng Instagram kung saan nag-post siya ng kanyang litrato hawak ang bandera ng Pilipinas na may caption na, “Black in black. I’ve landed in Poland and I can’t wait to meet everyone tomorrow!”

Kapag sinuwerte at nagwagi sa nasabing international pageant, si Alison ang magiging ikalawang Miss Supranational titleholder. Ang kauna-unahang Pinay na nanalong Miss Supranational ay si Mutya Datul noong 2013.

Alison Black handang-handa nang lumaban sa Miss Supranational 2022, humiling ng dasal: Laban, Pilipinas!

Miss Namibia waging Miss Supranational 2021; Dindi Pajares umabot sa Top 12

Mga pambato ng Pilipinas hangad ang kambal na korona sa Poland

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending