Tunay na presyo ng relo ni Bato dela Rosa ibinandera: Sa mga ul*l d’yan na Marites, naisahan ko rin kayo!
NA-WOW mali raw ang mga taong nagpakalat ng balita na nagmamay-ari siya ng milyun-milyung halaga ng relo, ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Sen. Bato ang litrato niya na may suot na Seiko watch na plakadung-plakado sa napakamahal na Patek Philippe x Tiffany & Co. Nautilus.
Ayon sa Instagram account na WatchspotterPH, na siyang naglabas ng tunay na presyo ng suot na relo ng senador, hindi nga ito Patek Philippe x Tiffany & Co. Nautilus tulad ng naglabasan noon sa social media tulad ng nauna nilang post.
Agad nga nila itong kinorek matapos i-repost ng senador sa FB ang kanilang ibinandera sa IG.
View this post on Instagram
Napag-alaman na nagkakahalaga lamang ang relo ng dating police general ng P11,000.
“Ronald Marapon dela Rosa, also known as Bato, is a Filipino politician and retired police officer who is currently serving as a senator of the Philippines with his SEIKO MOD to look like a Patek Tiffany & Co.
“Price: 11,000 PHP.
“Market Value: 11,000 PHP,” ang pagtatama ng WatchspotterPH.
At dahil nga rito, tila inasar naman ng senador ang mga nagsasabi na may pag-aari siyang relo na milyones ang halaga.
Sey ni Sen. Bato, “Sa mga ul*l dyan na marites, naisahan ko rin kayo!
“Yung relo ko na seikopatik na 14k php ginawa ninyong patek philippe na 360m php. Ha ha ha,” aniya pa.
Kasunod nito, dumagsa ang comments sa FB status ng mambabatas kabilang na riyan ang reaksyon ng social media personality na si Senyora na nagtanong kung ano ang tsismis sa likod ng kanyang watch.
Sabi ni Sen. Bato, limited edition ang Patek Philippe Tiffany Blue na may market value na $6.5 million o P357,500,000 million (kung gagamitin ang exchange rate ngayon from peso to dollar na P55).
May nagpaliwanag naman na mukhang ang binabanggit ni Bato ay ang naging presyo nito sa auction. Ang original price raw nito ay nasa $52,635 o P2,894,925 million.
Paliwanag ng senador, “Senyora, yang relo na yan ay kinopya ng seiko sa patek philippe tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5m dlrs at wala ka pang mabili dahil limited edition.
“May umuwi galing japan na dala dala yan at ibinenta sa akin sa halagang 14k. Heto na ngayon kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Ha ha ha.”
Matatandaang pinunan rin noon ni Gretchen Barretto ang suot na mamahaling relo ni Sen. Bato sa naganap na Senate hearing noong March, 2022.
Ito yung pagdinig sa nawawalang 34 katao na sangkot umano sa game fixing sa e-sabong. Si Sen. Dela Rosa ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsisiyasat sa nasabing kaso.
Ang kilalang negosyanteng si Atong Ang na business partner ni Gretchen ay isa sa naging resource person sa hearing dahil sa balitang sa pag-aari niyang sabong arena huling nakita ang ilan sa mga missing sabungero.
Sa isang Instagram Stories ni Gretchen noong ginaganap ang nasabing hearing, hinamon niya si Bato na diretsuhin na ang pagtatanong kay Atong Ang.
“Get down to business, Bato. Stop grandstanding. Just get down to the investigation.
“Ang mahal ng relo ni Bato. Saan kaya nanggaling? My god! A senator has that much! Oh my gosh,” patutsada niya sa senador.
Sinagot naman ito ni Bato ng, “Yung unang-una sabi niya mahal daw yung relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng P85K na halaga ng Tag Heuer na relo?
“Bakit hindi pala ako puwede? Mahal talaga yun para sa akin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila,” diin pa niya.
https://bandera.inquirer.net/309545/gretchen-handang-ilantad-ang-ebidensya-laban-kay-bato-tungkol-sa-e-sabong-senador-rumesbak
https://bandera.inquirer.net/311367/angel-locsin-bato-dela-rosa-nagkita-sa-leyte-netizens-nag-react-darna-ang-bato
https://bandera.inquirer.net/279747/ryan-bang-sa-dyowa-ikaw-lang-ang-isang-filipina-na-napansin-ang-halaga-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.