Macho dancer na dyowa ni Madam Inutz aprub sa magulang at mga anak, pakiusap ng ama: 'Wag mo sana siyang lolokohin... | Bandera

Macho dancer na dyowa ni Madam Inutz aprub sa magulang at mga anak, pakiusap ng ama: ‘Wag mo sana siyang lolokohin…

Ervin Santiago - July 05, 2022 - 07:26 AM

Madam Inutz at Edward Tan

APRUBADO naman pala sa magulang at mga anak ni Madam Inutz ang pakikipagrelasyon niya sa macho dancer na si Edward “Tantan” Tan.

Lumuluhang ikinuwento ni Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay kung paano siya nagpaalam sa kanyang ama at sa mga anak bago niya sagutin ang bagong dyowa.

Sa guesting ng viral online seller at dating “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity housemate sa “Magandang Buhay” kahapon, June 4, hindi niya napigilan ang maiyak habang nagkukuwento tungkol kay Tantan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Madam Inutz (@daisyinutz)


Talagang hiningi niya ang blessing ng parents at ng mga anak kung puwede niyang maging boyfriend si Tantan.

“One time ipinakilala ko siya sa magulang ko, sa mga anak ko. Sabi ko, ‘nak okay lang ba si Tantan na maging boyfriend ko?’

“Ang sagot sa akin ng mga anak ko, ‘oo naman, Mama.’ Kumbaga naaano ako, kasi sabi sa akin ng panganay ko, ‘panahon mo naman para sumaya.’ Naiyak tuloy ako,” ani Madam Inutz.

Pagpapatuloy pa ng komedyana,  “Mababait (ang mga anak ko). Kumbaga kasi nakita rin naman nila ‘yung sakripisyo.

“Pati mga magulang ko, sinabi rin ng tatay ko, ‘kung saan ka sasaya anak, susuportahan ka namin.’ At sinabihan din siya na ‘huwag mong lolokohin ang anak ko kasi, kawawa naman.’ Kumbaga siyempre deserve ko namang sumaya,” chika pa niya.

Bago matapos ang programa ay sinorpresa rin ni Tantan si Madam Inutz na personal na nagbigay ng kanyang saloobin para sa komedyana.

Dito niya ibinandera sa buong universe ang pagmamahal niya kay Madam Inutz at pinatotohanan na hindi niya ito pinaglalaruan at niloloko.

Nauna rito, ipinagtanggol din ni Madam Inutz ang dyowang macho dancer sa mga nagsasabing pineperahan at ginagamit lang siya nito.

“Hindi po tayo gumagastos sa lalaki, nagkataon lang mayroon kaming similarity, parehas kaming single (parent).

Mas maganda siguro kung tatanggalin natin ‘yung panghuhusga sa kapwa,” pakiusap ni Madam Inutz.

https://bandera.inquirer.net/316398/madam-inutz-ipinagtanggol-ang-dyowang-macho-dancer-hindi-ako-ganun-kabobo-hindi-ako-ganoon-katanga-para-magpagamit

https://bandera.inquirer.net/313198/madam-inutz-naaksidente-bagong-sasakyan-nawasak-nagbabala-sa-mga-nagmamaneho-ng-lasing

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291104/madam-inutz-pangarap-makabili-ng-sariling-bahay-sumabak-sa-shopping-challenge-ni-sir-wil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending