5 Pinay queens humakot ng pagkilala sa Mrs. Asia Pacific pageant | Bandera

5 Pinay queens humakot ng pagkilala sa Mrs. Asia Pacific pageant

Armin P. Adina - June 29, 2022 - 02:52 PM

Kapiling ni 2022 Mrs. Asia Pacific All Nations Louise Suzanne Alba-Lopez (gitna) ang national director niyang si Mitzie Go-Gil (kanan) at 2019 Mrs. Asia Pacific Global Avon Morales

Kapiling ni 2022 Mrs. Asia Pacific All Nations Louise Suzanne Alba-Lopez (gitna) ang national director niyang si Mitzie Go-Gil (kanan) at 2019 Mrs. Asia Pacific Global Avon Morales./SHIN ALBA-LOPEZ FACEBOOK PHOTO

LIMANG Filipina ang kinilala sa Mrs. Asia Pacific beauty pageant na idinaos sa Singapore noong nagdaang buwan, ang edisyon ng patimpalak na isinagawa makaraan ang dalawang taong pahinga bunsod ng pandemyang bunga ng COVID-19.

Nangunguna sa mga pinarangalan si Louise Suzanne Alba-Lopez na hinirang bilang Mrs. Asia Pacific-All Nations, isa sa limang koronang iginawad sa pagtatapos ng patimpalak. Nanguna rin siya sa preliminary talent competition na isinagawa online.

“As I start this chapter of my life, I pray that I would be able to fulfill my purpose as an individual to inspire, encourage, and spread God’s love to others,” sinabi niya sa isang mensaheng ipinadala sa Inquirer.

“All that I have accomplished, it is because of God’s love and faithfulness to me. I bring back all the glory, honor, and praises to him,” pagpapatuloy niya.

Nakapasok naman sa Top 12 ang kapwa niya reyna ng Mrs. Queen of Hearts Philippines na si Ivy Diana Manzon-Bo, na napanood na rin sa telebisyon bilang “reynanay” sa “ReIna ng Tahanan” contest sa “It’s Showtime.”

Tinanggap naman ni Monaliza Salenga ang parangal bilang Mrs. Charisma Beauty, at pumangalawa pa kay Lopez sa talent competition. Hinirang din siyang Mrs. Asia Pacific Special Queen Ambassador kasama ang kapwa Pilipinang si Darling Topacio Edralin.

Kinilala si Queen of Hearts Foundation CEO Mitzie Go-Gil bilang Asia Most Inspirational Woman of the Year award ng Lumiere International

Kinilala si Queen of Hearts Foundation CEO Mitzie Go-Gil bilang Asia Most Inspirational Woman of the Year award ng Lumiere International./MMITZIE GO-GIL FACEBOOK PHOTO

Isinalin ng Pilipinang si Avon Morales ang korona niya bilang Mrs. Asia Pacific Global na nasungkit niya sa pandaigdigang patimpalak noong 2019 kay So Yeah ng Korea.

Ngunit maliban sa mga lumahok sa patimpalak, tumanggap din ng pagkilala si Queen of Hearts Foundation CEO Mitzie Go-Gil. Kinilala siya bilang Asia Most Inspirational Woman of the Year ng Lumiere International, organayser ng Mrs. Asia Pacific pageant.

“This award inspired me more to push through my ‘women empowerment’ advocacy through beauty pageants,” ani Go-Gil, na kinoronahan din bilang Mrs. Asia Pacific Tourism noong 2018.

Samantala, hinayag na ng Mrs. Queen of Hearts Philippines pageant ang opisyal na pagbubukas ng patimpalak sa taong ito, at kasalukuyan nang tumatanggap ng mga aplikante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending