Derek love na love ang anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias: Happy birthday, son! Love you so much! | Bandera

Derek love na love ang anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias: Happy birthday, son! Love you so much!

Ervin Santiago |June 27,2022
facebook
share this

Derek love na love ang anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias: Happy birthday, son! Love you so much!

Ervin Santiago - June 27, 2022 - 03:58 PM

Ellen Adarna, Derek Ramsay at Elias Modesto

FEEL na feel talaga ng hunk actor na si Derek Ramsay ang pagiging “tatay” sa anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

In fairness, talagang super bati si Derek sa ika-4 na kaarawan ni Elias kung saan buong-ningning nitong tinawag na “son” ang nag-iisang anak ng asawa niyang si Ellen kay Lloydie.

Ngayong araw, June 27, nagse-celebrate ng kanyang 4th birthday si Elias at isa nga si Derek sa mga unang bumati sa bagets sa pamamagitan ng social media.

Nag-post ng mga litrato at video clips ang aktor sa Instagram na naglalaman ng mga bonding moments nila together kasama si Ellen.

Ani Derek sa caption, “Happy birthday, son. Love you so much, my little babiguling.”

Nag-post din si Ellen sa Instagram ng super cute photo ng anak na may caption na, “4.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)


Sa isa namang short video ni Elias na ibinahagi niya sa Instagram stories, ito ang mensahe ng dating sexy star, “My birthday boy. My Spider-Man, never-ending Spider-Man.”

Kung matatandaan, last year nagdiwang din si Elias ng kanyang 3rd birthday with Spider-Man-themed party sa dalawang magkahiwalay na party — ang isa ay kasama sina Ellen at Derek at ang pangalawa naman ay nakapiling naman ng bagets ang amang si John Lloyd.

Kamakailan lang ay nagdiwang din si John Lloyd Cruz ng kanyang 39th birthday sa mismong taping ng sitcom niya sa GMA 7, ang “Happy ToGetHer”.

Sa isang video na ipinost sa IG ng co-star ni Lloydie sa nasabing comedy show na si Jayson Gainza, makikita ang anak niyang si Elias at ang rumored girlfriend niyang artist na si Isabel Santos.

Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu

Derek mas bumongga ang buhay dahil kina Ellen at Elias: It’s perfect! I love you baby!

Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending