Andrew Schimmer umaasang tuluy-tuloy na ang paggaling ng asawa matapos ma-cardiac arrest dahil sa asthma attack
NAGBIGAY ng update ang aktor na si Andrew Schimmer tungkol sa health condition ng kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero.
Patuloy na umaasa at nagdarasal si Andrew para sa tuluy-tuloy na recovery ng pinakamamahal na asawa na ilang buwan na ngayong hanggang ngayong naka-confine sa ospital.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nagbahagi si Andrew ng ilang detalye tungkol kay misis na nakaranas ng severe asthma attack na nagresulta sa cardiac arrest at hypoxemia.
Nag-post ang aktor ng video nitong nagdaang linggo kung saan mapapanood kung paano niya inaalagaan ang asawa. Nilagyan niya ito ng caption na, “Good morning… iLoveYouForever MyLove.”
Last Wednesday naman, June 22, baka raw sumailalim muli sa ilang tests matapos tumaas ang kanyang lagnat, isang araw bago niya ginawa ang video.
“She’s very stable naman at the moment, as you can see. Napakasarap ng kanyang tulog. Mahimbing na mahimbing.
“Ang pinakaproblema lang is nagre-occur yung kanyang fever. Nilalagnat siya ulit ng 38.4 kagabi.
“Kaya minomonitor ulit namin siya ng matindi kasi baka tumaas na naman yung fever niya, mag-seizures naman siya. Kaya talagang nakabantay kaming maigi sa kanya.
“So ang gagawin nila, uulitin nila yung mga test na ginawa sa kanya, just to make sure kung ano yung nangyayari sa loob ng katawan niya, kung bakit siya nilalagnat ulit.
“So magyu-urine alaysis ulit sila, magsi-CBC, saka magko-conduct ulit sila ng x-ray test para sigurado.
“Pero yung result ng kanyang test ultrasound last time was very good. Clear naman. Kaya hindi natin alam, hindi natin maintindihan kung bakit siya nag-fever ulit.
“So hopefully, wala naman masyadong complication sa loob ng katawan niya ngayon. Sana okay lang lahat,” ang buong mensahe ni Andrew.
Hindi rin nakalimutan ni Andrew na mag-thank you sa lahat ng mga nagdasal, sumuporta at nag-abot ng tulong para sa kanyang wifey.
“Maraming salamat sa nagdarasal from day one up to now, sumama sa akin para magdasal para sa kanya. Thank you very much.
“Itong iniinda niyang infection sa kanyang lungs, para magdire-diretso na yung kanyang recovery.
“As you can see, napakasarap ng tulog niya ngayon. Matagal siyang hindi nakatulog nang ganito. Yung talagang mahimbing yung kanyang tulog.
“Mahimbing na mahimbing yung kanyang pahinga,” aniya pa.
Noong November, 2021 isinapubliko ng sexy actor ang tungkol sa sakit ni Jho matapos itong ma-admit sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City dahil sa severe hypoxemia.
Nanawagan din siya noon ng tulong pinansiyal para sa pagpapagamot ng asawa, “Kaya ako po’y nagpapakumbaba at nagsusumamo ng inyo pong mga tulong, para po maituloy namin ang kanyang gamutan, at siya po ay aming mailabas na ng tuluyan ng ospital.”
Biniyayaan sina Andrew at Jho ng dalawang anak, sina Andrea Mari at Neymar.
https://bandera.inquirer.net/301195/andrew-schimmer-muling-humingi-ng-tulong-para-sa-asawang-nasa-icu
https://bandera.inquirer.net/307120/anak-ni-andrew-schimmer-humingi-ng-tulong-para-sa-inang-nasa-icu
https://bandera.inquirer.net/298552/andrew-schimmer-humihingi-ng-tulong-para-sa-asawang-nasa-icu-hospital-bill-nasa-p3-m-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.