Shayne Sava ayaw na ayaw sa lalaking manloloko: Uso ang hiwalayan sa showbiz dahil sa cheating kaya dapat mag-ingat | Bandera

Shayne Sava ayaw na ayaw sa lalaking manloloko: Uso ang hiwalayan sa showbiz dahil sa cheating kaya dapat mag-ingat

Ervin Santiago |June 26,2022
facebook
share this

Shayne Sava ayaw na ayaw sa lalaking manloloko: Uso ang hiwalayan sa showbiz dahil sa cheating kaya dapat mag-ingat

Ervin Santiago - June 26, 2022 - 06:39 AM

Abdul Raman at Shayne Sava

FEELING nasa cloud-9 pa rin ang Kapuso young actress na si Shayne Sava nang marinig ang mga papuri sa kanya ng mga katrabaho sa seryeng “Raising Mamay.”

Talagang puro positibong komento ang natatanggap ng dalaga mula sa co-stars niya sa afternoon series ng GMA 7, kabilang na nga riyan sina Valerie Concepcion at Ai Ai delas Alas.

Si Valerie ang gumaganap na biological mother ni Shayne sa “Raising Mamay” habang si Ai Ai naman ang kanyang adoptive mom at sa lahat daw ng mga ginawa nilang dramatic scenes, tumotodo ng emosyon ang young actress.

“Nagulat ako sa kanya kasi alam ko baguhan pa lang, pero ang galing na niyang umarte,” pahayag ni Ai Ai patungkol kay Shayne.

Sinegundahan naman ito ni Valerie, “Yes! I told her that at the same age, nangangapa pa lang ako sa acting, pero siya, mahusay na.”

Reaksyon naman ni Shayne, “I really want to thank everyone for their very positive comments about my acting.

“Nakaka-inspire at it encourages to always do my best. Enjoy naman talaga ako to do drama scenes but I think I can still further hone my acting skills.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shayne Kirsten (@shaynesava)


“So far, it’s been an awesome ride since I won sa Starstruck and sobrang thankful ako sa GMA for all the blessings na natatanggap ko sa career ko,” sabi ng dalaga.

Samantala, sinagot din ni Shayne ang tanong kung ano ang feeling niya ngayong may dagdag na show ang ka-loveteam niyang si Abdul Raman sa GTV, ang “TOLS” na nagsimula na kahapon.

“Siempre, I am so happy for him. He deserves the success he’s getting, lalo na may sakit ang mother niya after having a stroke at malaki ang medical expenses nila for her.

“And I’m glad he’s given the chance to do comedy in his new show. Ako rin, I want to be given the chance to try doing comedy sometime,” sey ng aktres na nakatakda ring mag-guest sa “TOLS” very soon.

“I’m looking forward to it. I really want to try doing comedy,” aniya pa.

At tungkol naman sa tunay na estado ng relasyon nila ni Abdul, hindi rin daw malinaw sa dalaga kung nanliligas na ba sa kanya ang binata.

“I’m not sure. Wala naman siya sinasabing anything directly to me. But he gives me gifts, mga ganun. We’re happy when we are together,” chika ni Shayne.

At kung siya ang tatanungin, mas type pa rin niya ang tradisyonal na panliligaw, “Gusto ko yung umaakyat sa bahay para makilala rin ng family. I go for dating so that we can get to know each other better.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“First and foremost, I want a guy who will be faithful. We all know na uso ang hiwalayan ngayon sa showbiz because of cheating, so we should all be careful. Ha-hahaha!” sey pa ni Shayne Sava.

Shayne Sava nagpapagawa na ng bonggang bahay para sa pamilya; umaani ng papuri sa ‘Raising Mamay’

Shayne Sava relate na relate sa mga hugot scenes sa ‘Raising Mamay’; may inamin tungkol kay Ai Ai

Shayne Sava 2 beses nang tinamaan ng COVID-19: Matindi yung una, pero ngayon hindi na ganu’n kagrabe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending