Noynoy Aquino nagpaparamdam sa dating kasambahay: Sinasabi ko na lang, ‘Sir, alam ko naman nandito ka lang' | Bandera

Noynoy Aquino nagpaparamdam sa dating kasambahay: Sinasabi ko na lang, ‘Sir, alam ko naman nandito ka lang’

Ervin Santiago |June 26,2022
facebook
share this

Noynoy Aquino nagpaparamdam sa dating kasambahay: Sinasabi ko na lang, ‘Sir, alam ko naman nandito ka lang’

Ervin Santiago - June 26, 2022 - 06:58 AM

Yolly Yebes at Noynoy Aquino

NAGPAPARAMDAM pa rin hanggang ngayon si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang kasambahay makalipas ang isang taon mula nang ito’y pumanaw.

Ayon kay Yolly Yebes na 30 taon naglingkod at nagserbisyo sa yumaong pangulo ng Pilipinas, may mga pagkakataon na nararamdaman pa rin niya ang presence ni P-Noy sa bahay nito.

Madalas daw ay sa panaginip niya nagpapakita ang kuya ng TV host-actress na si Kris Aquino at kung minsan ay nagpaparamdam din sa kanya sa pamamagitan ng ilang hindi maipaliwanag na pangyayari.

“Lumalabas naman po sa panaginip. ‘Yung pagpaparamdam naman, nitong recently lang. Ewan ko kung siya ‘yun ha pero nagpatay siya ng electric fan sa kitchen and may nag-off,” kuwento ni Yolly sa panayam ni Jing Castañeda.

Pagpapatuloy ng kasambahay, “Tumingin ako akala ko ‘yung mga boys niloloko ako. Pero wala. Mag-isa lang ako.

“Tiningnan ko ‘yung electric fan tapos in-on ko ulit. Sabi ko ‘Sir, alam ko naman nandito ka lang,’” sabi pa ni Yolly.

Aniya pa, talagang kitang-kita raw niya ang mukha ng yumaong pangulo sa tuwing napapaniginipan niya ito.

“Natutuwa ako tuwing nakikita ko siya sa panaginip,” ani Yolly.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sa tanong kung ano ang sinasabi niya kay P-Noy kapag  nagpaparamdam ito sa kanya, “Ang sabi ko na lang ‘Sir, ‘wag kang mag-alala. Nandito pa rin ako.’ Tsaka ang naisip ko, nandito lang talaga siya sa bahay.”

Nabanggit din ni Yolly na kahit noong naging presidente na si Noynoy ay nanatili pa rin ang kasimplehan nito.

Kung ano raw ang ugali nito noong wala pa sa pwesto ay ganoon pa rin noong mahalal na pangulo.

Ano naman ang pinakanami-miss niya kay P-Noy? “Ang pag-aalaga ko kay Sir magmula noong una hanggang ‘yung nangyari sa kanya.”

“‘Yung bumibili ako ng pagkain sa palengke, kung ano ‘yung gusto niya, magsasabi siya, ‘yun binibili ko,” lahad pa ng loyal kasambahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang binawian ng buhay si dating Pangulong Noynoy Aquino noong June 24, 2021. Nagsilbi siya sa Pilipinas bilang pangulo mula 2010 hanggang 2016.

Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw na sa edad 61

Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Claire nagpaparamdam pa rin sa anak na si Gigo: May mga ipinagbibilin siya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending