Sikat na female celeb nilayasan ang talent manager, nabwisit sa pakikialam sa personal niyang buhay | Bandera

Sikat na female celeb nilayasan ang talent manager, nabwisit sa pakikialam sa personal niyang buhay

Reggee Bonoan |June 23,2022
facebook
share this

Sikat na female celeb nilayasan ang talent manager, nabwisit sa pakikialam sa personal niyang buhay

Reggee Bonoan - June 23, 2022 - 12:52 PM

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

MAY karapatan ba ang talent manager na sigawan ang kanyang alagang artista kapag nakitang kasama nito ang ibang artists na hindi nito type?

Speechless ang kilalang aktres sa naging behavior ng kanyang talent manager nang makita nito sa kanyang social media account ang group pictures nila ng mga kaibigan na tila hindi pala type ng namamahala ng kanyang karera.

Inisip ng kilalang aktres, “anong kinalaman ko sa isyu nila kung meron man? Kaibigan ko ‘tong mga ‘to, eh.”

Ito raw ang katwiran ng kilalang aktres sa aming source na hindi rin nito maintindihan kung bakit ganu’n ang reaksyon ng manager.

Mukhang ginawa na lang yatang dahilan ito dahil si kilalang aktres ay nanghihingi raw ng records ng mga talent fee niya sa manager dahil may paggagamitan siya nito.

Bukod dito ay humingi rin ng mga ITR (income tax return) copies ang kilalang aktres sa manager niya dahil nga kinakaltasan siya ng tax sa mga kinikita niya.

Mukhang dito nagsimula ang gulo nila dahil walang maipakitang report ang manager at iba pang dokumentong hinihingi ng kilalang aktres.

Then, anong kinalaman ng group pictures sa mga kaibigan ng kilalang aktres na ikinagalit ng manager?

“E, baka inisip nasulsulan!” kaswal na sabi ng aming source.

Sa kasalukuyan ay kumalas na ang kilalang aktres sa manager na nagalit at nanigaw sa kanya nang walang balidong rason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aktres hindi type ang leading man sa ginawang pelikula; magkaibang level ang utak

Iya umaming hindi na-imagine na magpapakasal kay Drew: Kasi hindi naman ‘yan ‘yung type ko, mars!

Talent manager, nagbago na; nagmamaganda dahil may alagang beauty queen

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending