Dimples Romana planong magtrabaho agad pagkapanganak sa 3rd baby: Marami tayong responsibilidad sa buhay
ILANG linggo lang balak ni Dimples Romana na magpahinga pagkatapos niyang manganak at babalik na raw agad siya sa pagtatrabaho.
Kuwento ng Kapamilya actress, pagkapanganak niya sa ikatlong baby nila ng asawang si Boyet Ahmee na pinangalanan nilang Baby Elio ay plano na niya uling sumabak sa work.
Sa darating na July na ang due date ni Dimples at ngayon pa lang ay planado na ang lahat ng mga gagawin niya mula sa pagsilang ng sanggol hanggang sa kanyang recovery days at pagbalik nga sa pag-arte.
“Gusto ko po talagang sabihin na makakapagpahinga tayo pero ‘yung katawan ko po at pag-iisip ko at puso ko ay sadyang hindi ata talaga nagnanais ng kahit anong pahinga.
“I am sure marami sa atin, if not all of us, would agree that even if we wanted to, we just can’t,” pahayag ni Dimples sa isang digital interview.
Aniya pa, “Kahit gusto ko sabihin na magpapahinga ako ay magsisinungaling po ako sa inyo kapag sinabi ko ‘yan.
“Kasi marami tayong responsibilidad sa buhay. Lalong-lalo na si Ate Callie is in Australia studying aviation. So magpipiloto po ang panganay ko.
“Yung responsibilidad ko bilang ina ay nahahati sa tatlo — isang teenager, isang grade schooler at isang newborn.
View this post on Instagram
“And, napagtanto ko na kahit gustuhin ko to focus as a mom of a newborn, just like many moms out there, it’s one of the most excruciating sacrifices you will have to do if you have children more than one.
“That you will have to wear different kinds of hats as a mom and in-accept ko na po,” pahayag pa ng award-winning actress.
Ipinagdiinan din ni Dimples na hindi talaga biro ang magpaaral ng anak sa ibang bansa lalo pa’t napakamahal ng kursong kinuha ni Callie.
“I guess I will be resting for a few weeks to recover and also to be with baby Elio but in the same manner we also have to get back to work and make sure that our family will be provided for.
“Tag team naman kami ni Papa B (Boyet). Pero sasabihin ko po sa inyo, hindi po kasi mura ang pagpapaaral sa anak sa ibang bansa. Diyos ko po! Talagang ang mga dasal ko ngayon ay doble-doble, napakahaba.
“Pero thank God ko po na kahit papaano ay naibibigay natin sa mga anak natin yung mga pangangailangan nila,” pahayag pa ng aktres.
https://bandera.inquirer.net/279469/dimples-romana-24-years-na-sa-showbiz-may-promise-sa-mga-batang-artista
https://bandera.inquirer.net/308449/dimples-romana-buntis-sa-ikatlong-baby-muntik-maibuking-ni-angel-locsin
https://bandera.inquirer.net/308650/babybump-para-kina-dimples-at-angelica-sabay-magbubuntis-women-supporting-women-ganun-naman-dapat-di-ba
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.