Mikael sa pagiging solid BTS fan ni Megan: Mukhang may napili na talaga siyang iba at dahil d'yan... | Bandera

Mikael sa pagiging solid BTS fan ni Megan: Mukhang may napili na talaga siyang iba at dahil d’yan…

Ervin Santiago |June 15,2022
facebook
share this

Mikael sa pagiging solid BTS fan ni Megan: Mukhang may napili na talaga siyang iba at dahil d’yan…

Ervin Santiago - June 15, 2022 - 08:32 AM

Megan Young at Mikael Daez

NAPA-SANA all na lang ang mga social media followers ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young dahil sa bagong paandar at pampa-good vibes ng mag-asawa.

Aliw na aliw ang mga netizens sa mga nakakalokang hugot ni Mikael patungkol sa pagiging die hard fan ni Megan ng sikat na sikat na Korean boy group na BTS.

Sa halip na basagin at kontrahin ang trip ni Miss World 2013 sa  pagsuporta sa nasabing award-winning K-pop band at talagang naki-join na rin siya tumitindi pang BTS fever.

Matagal nang certified Army (tawag sa grupo ng mga BTS fans) ang Kapuso actress at ang pinaka-favorite niyang member o bias (ultimate crush) ay si Jin.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Mikael ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging solid BTS fan ng asawa. Ipinost pa niya ang video nila ni Megan kung saan makikita ang hawak-hawak nilang cup na may photo ng favorite nilang BTS member.

Si Megan ay sumisipsip sa cup niya na may mukha ni Jin habang ang hawak namang cup ni Mikael ay may image ni Suga.

Ang caption ng TV host-actor sa kanyang IG post ay, “Hindi ko na matanggap ang pagiging army ni Bonez. Mukhang may napili na talaga siyang iba…

“At dahil dyan, pumili na rin ako ng iba kagaya niya!! Hindi na ako pwedeng maging asawa ng army lang. Level up na! Hahahaha. #JinVSSuga,” ang dagdag niyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)


Sey pa ni Mikael, mas mabuti nang makipagsabayan na rin siya kay Megan bilang ARMY kesa maging dahilan pa ito ng kanilang hindi pagkakaintindihan. Kumbaga sa kasabihan, “if you can’t beat them, join them” na lang.

Hirit pa ni Mikael, “But in all fairness, I can’t wait to take bonez to a BTS concert. I think it’s going to be super fun.

“She supports me in all my computer building endeavors, so i’m happily supporting her army vibes. Lezzgo!!!” aniya pa.

Sa ilang IG posts ni Megan, makikita kung paano niya suportahan ang asawa sa keyboard building and gaming journey nito kaya naman ibinabalik lang ng aktor ang pagsuporta sa mga hilig ni misis.

https://bandera.inquirer.net/288239/megan-mikael-umamin-palagi-naming-nakakalimutan-ang-birthday-at-anniversary-namin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309378/megan-ayaw-pang-magka-baby-pero-kapag-nabuntis-ready-na-ring-maging-mommy
https://bandera.inquirer.net/292184/arci-proud-army-lumipad-pa-korea-makanuod-lang-ng-concert-at-pumila-ng-5-oras-para-bumili-ng-bts-merch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending