Ben&Ben sa lahat ng hindi pinanindigan: Di naman masakit yung bagong kanta, parang kagat lang ng dinosaur | Bandera

Ben&Ben sa lahat ng hindi pinanindigan: Di naman masakit yung bagong kanta, parang kagat lang ng dinosaur

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 04:50 PM

Ben&Ben

SIGURADONG marami na naman ang makaka-relate sa bagong kanta ng award-winning OPM group na Ben&Ben na iri-release na nila ngayong buwan.

Sa kanilang social media accounts, ibinandera ng grupo ang nalalapit na paglabas ng pinakabago nilang hugot song para sa lahat ng mga taong broken hearted.

Nag-post ang Ben&Ben sa Twitter ng, “May sasabihin kami.

“1. Bestie, dahil patas ang mundo..
May bagong kanta kami para sa di pinanindigan. June 22 lalabas.

“2. Beh, Paninindigan Kita MV starring PatNes this June 30  Pasasalamat sa 6.1M views (and counting) ng lyric video!” tweet pa ng premyadong grupo.

Sa sumunod nilang Twitter post, nagpaalala din ang Ben&Ben sa lahat ng Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo na huwag na huwag magpapatalo sa mga challenges ng buhay.

“Easyhan mo lang this week, kahit maraming pagsubok. Wag kalimutang huminga at tumawa! D2 lang kami,” pahayag ng grupo.

Dagdag pa nilang mensahe para sa lahat ng fans na abangers na sa “Paninindigan Kita” at sa music video nito, “’Di naman masakit yung bagong kanta. Parang kagat lang ng dinosaur.”

In fairness, umabot na sa mahigit six million ang views ng lyric video ng “Paninindigan Kita” sa YouTube.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)


Samantala, aliw na aliw naman ang fans sa kuwento ng Ben&Ben member na si Paolo Benjamin tungkol sa pagbu-book niya ng sasakyan sa isang transport network vehicle service o TNVS.

Pagsakay daw kasi niya rito ay mga kanta nila ang pinatutugtog ng driver. Ibinahagi niya sa kanyang social media account ang isang video na kuha sa loob ng sasakyan.

“So first time ko mag-Grab ulit after a long time kagabi tapos si kuya, puro kanta namin ’yung soundtrip.

“Dahil nahihiya ako magpakilala, ’di ko na nagawa. Pero nagpapasalamat ako sa sakay at sa soundtrip,” ang caption ni Paulo sa kanyang Instagram post.

Maririnig sa video ang boses ni Paolo na nagsabing, “Ayos sounds mo kuya ah,” na sinagot ng driver ng, “Oo sir, gustong-gusto ko ’yan.”

Mensahe pa ni Paolo sa driver na isinulat niya sa kanyang video post, “Sana makapagkita at selfie tayo one day, Kuya. Ingat po kayo. P.S. Pasensya na rin po at nag-video ako, natuwa lang.”

https://bandera.inquirer.net/287274/benben-todo-papuri-sa-sb19-mga-totoo-silang-tao-saludo-kami-sa-inyo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/287449/benben-tinupad-ang-pangarap-ng-sb19-nagsisimula-pa-lang-kami-talagang-idol-na-namin-sila
https://bandera.inquirer.net/286656/sb19-benben-may-sorpresa-sa-atins-at-team-liwanag-trending-na-naman-sa-socmed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending