Vivian Velez, Liza Dino nagkaayos na; nanawagang ibigay na ang pamamahala ng MMFF sa FDCP | Bandera

Vivian Velez, Liza Dino nagkaayos na; nanawagang ibigay na ang pamamahala ng MMFF sa FDCP

Reggee Bonoan - June 09, 2022 - 03:21 PM

Liza Dino at Vivian Velez

TINAPOS na nina Film Development Council of the Philippines (FDCP)  Chairperson and CEO Liza Dino at Film Academy of the Philippines (FAP) Director General Vivian Velez ang matagal ng isyu sa kanilang pagitan.

Mega tsika na ngayon ang dalawa at kitang-kita ito sa nakaraang press launch ng “PeliKULAYa” nitong Martes na ginanap sa Amrak Restaurant and Comedy Bar.

Sabi nga ni Ms. Vivian, “Hindi showbiz pag walang intriga.”

Nabanggit ng hepe ng FAP na barkada talaga sila ni Ms. Liza at kailangan talaga nilang magkaisa para sa industriya.

Samantala, hiningi ni Ms. Vivian ang tulong ng media na sana’y  makarating sa Metro Manila Development Authority o MMDA na ipagkatiwala na lang sa FDCP ang pamamahala sa taunang Metro Manila Film Festival.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino)


“Unang-una, yun ang ating mga cinema exhibitions. Kasi, iyan talaga ang isang problema ng filmmakers. Kasi, paano naman tayo uunlad kung isa o dalawang araw lang ang ating pelikulang ipalalabas sa sinehan?

“So, I guess, it’s a whole approach, e, ng buong Pilipinas. Kasi siyempre, alam naman natin, negosyo ‘yan. But then, someone has to give. Somebody has to give. Hindi kasi pupuwedeng hindi ma-subsidize ito ng gobyerno dahil, otherwise, mamamatay talaga.

“Patay na ang ating pelikula kung hindi lang dahil sa ating mga young filmmakers, kasi mga greenhorn pa sila, ‘no? Idealist pa,” aniya pa.

Idinaan din sa biro ni Ms. Vivian na ang young directors ay magagaling humingi ng pera sa magulang nila para sa passion nila sa pagdidirek ng pelikula.

At sa katunayan ay present din sa nasabing launch ang mga batang direktor at producer ng short films na ang iba ay mga estudyante palang.

Ayon kay Ms. VV, “You know, how long will it last? So, kailangan talaga, yung ating distribution, that’s very critical. Number two, pinag-usapan namin iyan sa board, we should be able to take back MMFF.

“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival.

“Alam ko, marami akong puwedeng sabihin because puwede na akong magsalita ngayon dahil by experience ng Film Academy of the Philippines.

“Under MMDA, ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana matulungan ninyo (media) kami.

“Ang gusto ko sanang mangyari, at the helm of Chair Liza. Kasi, talagang alam na alam niya kung paano gawin ang mga festival na ito.

“Nasa mandate ito ng FDCP. Sana, tulungan ninyo kami na kalampagin ang MMDA na, ‘Maawa na kayo sa industriya! At ibigay ninyo ang MMFF sa FDCP para ma-manage nang mabuti ito. Yun lang po,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/307704/dapat-ibalik-na-sa-mga-taga-showbiz-ang-mmff

https://bandera.inquirer.net/306317/liza-dino-sa-viral-dibdib-photo-ni-jake-zyrus-kung-yun-ang-magpapasaya-sa-kanya-suportahan-natin-siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/313854/vivian-velez-aminadong-isang-dds-but-i-am-not-blind-to-his-shortcomings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending