BB Gandanghari, Ogie Diaz nagkabati na nang magkita sa US: Nagyakapan kami, wala nang sorry-sorry | Bandera

BB Gandanghari, Ogie Diaz nagkabati na nang magkita sa US: Nagyakapan kami, wala nang sorry-sorry

Reggee Bonoan |June 09,2022
facebook
share this

BB Gandanghari, Ogie Diaz nagkabati na nang magkita sa US: Nagyakapan kami, wala nang sorry-sorry

Reggee Bonoan - June 09, 2022 - 11:21 AM

BB Gandanghari at Ogie Diaz

MAY bagong alaga ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz — ito’y walang iba kundi ang nakatampuhan niya noon na si BB Gandanghari.

Yes, bati na sina Ogie at BB na nagkita sa Amerika sa pamamagitan ng common friend nilang si Oliver Carnay, kilalang events organizer, talent manager, publicist at consultant na nakabase sa Los Angeles, California.

Kuwento ni Ogie sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama sina Ate Mrena at Tita Jegs na in-upload kahapon sa YouTube, may plano raw umuwi ng Pilipinas si BB Gandanghari para dalawin ang miss na miss na niyang nanay na si Gng. Eva Cariño.

Pero ang gusto nito habang narito siya sa Pilipinas ay may mga gawin siyang work on the side para kahit paano ay may kita siya.

“Gusto niyang umuwi pero pag umuwi siya, gusto niya meron siyang work. Para hindi naman pag-uwi niya, e, dalaw lang siya ‘tapos for how many months wala siyang ginagawa,” bungad na kuwento ni Ogie tungkol sa naging usapan nila ni BB.

Kaya ang talent manager-vlogger na ang nagprisintang ihahanap siya ng trabaho rito at siya na ang magiging agent dito ni BB.

“Ako magiging ahente niya o agent niya dito, o di ba? Parang kelan lang nagbabangayan, pero ngayon sabi ko, ‘Oo, puwede kitang i-manage.’

“Sabi ko, ‘Pero wala muna tayong kontrata, kasi gusto ko kapag meron ka nang tiyak na proyekto doon kita ikokontrata,” pagbabahagi ni Ogie.

Bago umalis patungong Amerika si Ogie kasama ang buong pamilya ay natanong siya ni Mama Loi kung kikitain niya si BB Gandanghari para magkalinawan na sila at matigil na ang patutsada ng kapatid ni Senator-elect Robin Padilla.

Hindi nasagot nang diretso ni Ogie kasi nga baka magkalayo ang state nila kaya paano magkikita pero gusto niya at nangyari nga na nagkita sila.

“Nagkita kami finally nitong si BB Gandanghari. Nagkita kami sa Yard House dito sa L.A. Kami ay nagkahuntahan. Nu’ng magkita kami, nagyakapan kami. Wala nang ano. Walang sorry, walang ano. Yakapan,” paglalarawan ng vlogger na ikinatuwa rin nina Mama Loi, ate Mrena at tita Jegs.

Ikinuwento pa ni Ogie na super touch si BB dahil nga nag-effort siyang kitain ito, “Sobrang-sobra kaming ano, alam mo na ‘yung magkapatid na matagal hindi nagkita at na-miss ang isa’t isa? Ganoon ang yakapan namin,” nakangiting tsika ni Ogie pero hiling daw ni BB na “no camera” ang kanilang pag-uusap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)


“Nag-usap kami almost two hours. Nakakaloka! Tsikahan lang kami nang tsikahan,” sabi pa niya.

At isa sa napag-usapan nila ay, “Sabi ko, ‘Hoy (BB), ha, ako ano mo, tinitira mo ako,’ sabi ko sa kanya. ‘Ikaw, ano, ha, di naman kita tinitira.’”

Sagot naman daw ni BB, “Anong hindi, kinokontra mo nga lahat ng sinasabi ko.’”

Hirit ni Ogie, Sabi ko, ‘Kinokontra kita, pero hindi kita sinisiraan.’ Tapos sabi ni BB, nakakaaliw ding kausap si BB, ‘E, sinabihan mo ako hindi ako sikat,’” sabay tawa ng talent manager.

Ganting sagot ni Ogie kay BB, “Sabi ko, ‘Ano ka ba, ako nga sinabihan mong bobo.’ Tapos tawanan lang kami nang tawanan. Alam mo yung ganun, na parang na-miss namin ang isat-isa.”

Anyway, hinilingan ni Ogie si BB kung puwede siyang makapanayam para sa YT channel niya at sabi ng huli na pag-iisipan niya ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

No pressure naman daw kay BB sabi ni Ogie dahil hindi niya ito pipilitin.
Sa Hunyo 13 ay pauwi na ng Pilipinas sina Ogie kaya ilang araw na lang nitong hihintayin ang sagot ni BB.

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

Ogie, BB muli na namang nagsagutan; magkakaayos pa nga ba?

BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending