Bitoy direktor na ng 'Pepito Manaloto', original cast members tuwang-tuwa sa pagbabalik nila sa show | Bandera

Bitoy direktor na ng ‘Pepito Manaloto’, original cast members tuwang-tuwa sa pagbabalik nila sa show

Ervin Santiago - June 09, 2022 - 07:32 AM

Jake Vargas, Angel Satsumi, Manilyn Reynes at Michael V

TINUPAD na ng GMA 7 ang request ng milyun-milyong Kapuso viewers na matagal nang humihiling na sana’y mapanood nila muli ang dating cast members ng “Pepito Manaloto”.

In fairness, patuloy pa ring namamayagpag ang weekly comedy show ni Michael V sa GMA 7 na nagsimulang umere noong March, 2010.

Matatandaang nagpahinga pansamantala ang programa at nagkaroon ng re-launch noong September, 2012 na may titulo nang “Pepito Manaloto: ang Tunay na Kuwento”.

Pagsapit ng October, 2020 pinalitan uli ang titulo nito at naging “Pepito Manaloto: Kuwento Kuwento” na mala-reality show naman ang konsepto dahil sa huling bahagi ng bawat episode ay may ini-interview ang show ng mga eksperto para ipaliwanag sa viewers ang natapos na kuwento.

At noong kasagsagan ng pandemic ipinalabas naman ang prequel ng show at tinawag na “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” kung saan bumida sina Sef Cadayona and Mikee Quintos bilang batang Michael V at Manilyn Reynes playing Pepito and Elsa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


At simula nga sa darating na Sabado, June 11, magbabalik na ang original cast sa  “Pepito Manoloto: Tuloy ang Kuwento, Book 3”.

Dito muling makakasama nina Bitoy at Mane sina Jake Vargas at Angel Satsumi (ang mga anak nilang sina Chito at Clarisse), John Feir bilang Patrick, Mosang as Baby, Ronnie Henares as Tommy, Chariz Solomon as Janice, Janna Dominguez as Maria, Jen Rosendahl as Berta at Arthur Solinap as Bert.

Sa ginanap na virtual mediacon ng “Pepito Manaloto” last Tuesday, June 7, inamin ng cast na nalungkot talaga sila nang  pansamantala silang nawala sa show at talagang na-miss nila ang isa’t isa nang bonggang-bongga.

Sa isang bahagi ng presscon, natanong ang cast kung pinanood ba nila ang prequel ng programa. Sagot ni Chariz, “Yes. I was amazed sa creative team how they wrote about the past life of Pepito and showed ang mga nangyari sa buhay niya in ‘Unang Kuwento’ kasi it gave more back stories about the characters.

“And I’m so happy for Sef Cadayona as the young Pepito kasi he deserves the role. But now na tuloy na uli ang show with the original cast, siyempre happy kami to be all together again.

“At least, sa unang kuwento, nabigyan ng foundation ang viewers kung saan ba nanggaling talaga ang kuwento nina Pepito at Elsa at ano ba ang naging buhay nila noong bata pa sila,” sabi pa ng komedyana.

Chika ni Jen Rosendhal, “Siyempre, when it was announced na papalitan muna kami ng prequel, nalungkot kami lahat kasi ilang years na kaming magkakasama. Sobrang saya ng nabuong friendship among us cast members and we’re all family na.

“Pero nakakatuwa ring panoorin sina Sef, Mikee and Pokwang to know na ito pala ang story before. Parang nagsimula uli sila from the start. But we’re all super happy na babalik na kami ngayon, kasi nami-miss na naming lahat yung every Thursday, magkakasama kami sa taping,” dagdag ng dating member ng Viva Hotbabes.

Naitanong din sa cast kung ano ang pinagkaabalahan nila noong nawala sila sa “Pepito Manaloto.”
Sagot ni Jake Vargas, “Ako, I watched our past episodes sa YouTube. Kasi sobrang nami-miss ko ang company ng co-stars ko at naiiyak ako while watching kasi sobrang nakaka-miss naman talaga ang magandang samahan namin.”

Sey naman ni Manilyn, kahit daw hindi sila nagkikita nang personal, tuloy pa rin ang pagkukumustahan nila.

“Iba kasi talaga yung samahan namin, e. So we update each other as to what’s happening in our lives. And we are so happy when we’re told na ibabalik na ang dating kuwento.

“But at least, with the prequel, nalaman na ng mga tao ang background ng bawat characters. Siyempre, nang magkita na kami uli sa taping, nagulat kami kay Angel, who plays our daughter.

“Ang tagal namin siyang hindi nakita at tumangkad na siya. She’s now even taller than Jake, who’s her kuya. She was just 3 years old when she joined the show and now, nagdadalaga na,” chika pa ni Mane.

Samantala, napag-usapan din sa mediacon ang pagpanaw ng dati nilang direktor na si Bert de Leon.
Kuwento ni Ronnie Henares, “We feel his absence sa taping ngayon. We miss him a lot, but I’m sure he would want us to go on and he’d not stop us from doing what we love to do.

“And with Bitoy as our new director, we put our trust and confidence in him and we look forward to his new leadership in directing the show,” sabi pa ng aktor at talent manager.

https://bandera.inquirer.net/288594/bitoy-payag-nang-magtrabaho-sa-labas-basta-priority-namin-ang-safety-ng-lahat-ng-tao
https://bandera.inquirer.net/287857/dasal-ni-gladys-tinupad-ng-pepito-manaloto-boyet-kumasa-sa-gay-lover-challenge

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290873/hindi-mawawala-sa-ere-ang-pepito-manaloto-at-hindi-rin-ako-lilipat-ng-network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending