Robin binatikos nang hindi isama si Bongbong Marcos sa mga 'alas' na nagpanalo sa kanya sa eleksyon; ipinagtanggol si Kris | Bandera

Robin binatikos nang hindi isama si Bongbong Marcos sa mga ‘alas’ na nagpanalo sa kanya sa eleksyon; ipinagtanggol si Kris

Ervin Santiago - June 08, 2022 - 07:51 AM

Robin Padilla, Bongbog Marcos at Kris Aquino

NAGPALIWANAG si Senator-elect Robin Padilla sa mga supporters ng bagong halal na Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nagrereklamo sa open letter niya para kay Kris Aquino.

Hindi kasi nagustuhan ng ilang tagasuporta ni BBM ang Facebook post ni Robin patungkol sa pasasalamat niya sa ginawang tulong ni Kris noong nakaraang eleksyon.

Ipinost niya ito noong Linggo, June 5, at dito nga mababasa ang kinikilala niyang tatlong alas sa pagkapanalo niya at pagiging number one sa senatorial race — sina PRRD (President Rodrigo Roa Duterte), SBG (Sen. Bong Go), at Inday Sara Duterte.

“Bukod sa mine vote ni Mariel, Royal lumad/Indigenous vote, muslim vote, marcos loyalist vote, DDS vote, katoliko vote, Kingdom of Jesus Christ vote, El shaddai vote at Iglesia ni Kristo vote… Kris Aquino delivered the Aquino Vote for me,” pahayag ni Binoe.

Ang tanong ng mga BBM supporters bakit hindi man lang daw nabanggit ni Binoe ang pangalan ni Bongbong Marcos sa kanyang FB post.

Sa kanyang Facebook post kahapon, June 7, ibinahagi ni Robin ang lumang litrato nila ng bagong pangulo ng Pilipinas.

“Mabuhay. Isang Maalab na pagbati po sa inyo ng kapayapaan.

“Ito Po ay larawan namin 1990s. May klarohin Lang po Ako.

“Paano ko po sasabihin na isa sa alas ko na mag endorso sa akin si incoming president Bongbong marcos eh malinaw naman po sa lahat ng ganap nong kampanya na hindi po ako naendorso ng aking personal na Kaibigan,” simulang pagbabahagi ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


“Malinaw naman po na pinayagan niya ako na makasama sa uniteam dahil personal niya akong kaibigan at ang sulat ko po ay para kay ms Kris Aquino.

“Malinaw din po ang aking pasasalamat sa marcos loyalist na ako ay kabilang.

“Hindi po ako Maaari mag imbento ng ganap na ako ay inendorso ni PBBM na hindi naman po naganap at ilagay sa liham na para kay Ms Kris Aquino.

“Katulad po ng sinabi niyo, Marami po akong video at liham na nagpapasalamat at nagtatanggol kay PBBM dahil yun ay patungkol sa aking personal na Kaibigan na si Bongbong, hindi yun pulitiko,” pagpapatuloy ni Robin.

Dagdag pa ng mister ni Mariel Rodriguez, “Wala po kaming negotiated political alliance ni PBBM kundi sa PDP Laban kaya wala po akong maaaring idagdag sa tunay na naganap.

“Kung hindi po sapat ang pagiging Marcos loyalist ko at pagtindig sa sinoman na mananakit sa marcos maging ito man ay buhay man o namayapa, Pasensya na po kayo.

“Hanggang aksyon lang ako, kulang po ako sa drama. Ang pulitika sa akin kelan man ay hindi magiging dahilan para saksakin ko ang laman ko.

“Ang Kaibigan ko ay Kaibigan ko. Magkaiba man tayo ng paniniwala, Hindi man Kita masamahan pero kapag Kailangan mo ako, Hindi kita iiwan.

“Napatunayan ko po yan hindi Lang kay ms Kris Aquino kundi pati kay bongbong marcos. Kandidato sila o hindi.

“Bilang Kaibigan, Nakabantay Lang ako sa likod nila, tabi nila hanggang sa taas nila, sa abot ng aking makakaya.

“Politics is not real. Politics has no friends, only personal interest. I am not a political friend. I will always be a personal friend,” ang pahayag pa ni Robin.

https://bandera.inquirer.net/315190/robin-tinulungan-ni-kris-sa-kampanya-kahit-may-sakit-na-isa-yan-sa-dahilan-kung-bakit-nakakuha-ako-ng-napakataas-na-boto

https://bandera.inquirer.net/313115/frankie-pangilinan-sumugod-sa-kakampink-rally-sa-comelec-binanatan-si-bongbong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294348/erwan-may-pakiusap-sa-mga-hindi-pa-rehistradong-botante-lines-are-long-but-its-worth-it

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending