Robin tinulungan ni Kris sa kampanya kahit may sakit na: Isa yan sa dahilan kung bakit nakakuha ako ng napakataas na boto | Bandera

Robin tinulungan ni Kris sa kampanya kahit may sakit na: Isa yan sa dahilan kung bakit nakakuha ako ng napakataas na boto

Ervin Santiago - June 06, 2022 - 08:06 AM

Kris Aquino at Robin Padilla

GUMAWA ng madamdaming tula si Senator-elect Robin Padilla para sa kaibigan at dati niyang leading lady na si Kris Aquino na nakikipaglaban ngayon sa malubha niyang karamdaman.

Ipinost ng bagong-halal na senador kahapon, June 5, sa kanyang Facebook account ang emosyonal na mensahe niya para sa TV host-actress.

Dito ibinandera ng action star ang ibinigay na tulong at suporta ni Kris sa kanyang kandidatura sa katatapos lamang na May 9 national elections.

Narito ang kabuuan ng mahabang message ni Binoe para sa nanay nina Joshua at Bimby na patuloy na lumalaban at nagdarasal para gumaling sa kanyang mga sakit.

“Bismillah,

“Friends in Love.

“Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

“Literal ba ito?

“In love ka sa Kaibigan mo literally?

“Baliw ka sa Kaibigan mo?

“Hinahanap hanap mo siya?

“Physical Attraction ba?

“Sexual ba?

“Ano nga ba?

“Isa lang ang alam ko…

“Hindi man kayo nagkikita…

“Nag aaway man kayo…

“Hindi man kayo nagpapansinan…

“Pero Pag naramdaman mo na Kailangan ng Kaibigan ng Kaibigan mo…

“No sorrys.

“No explanations.

“No dramas.

“No flashbacks.

“Just Love.

“Love that doesn’t require reciprocity.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


Kasunod nga nito, ibinahagi ni Robin kung paano siya tinulungan ng Queen of All Media sa pangangampanya na nagresulta nga sa pagkapanalo niya sa nagdaang halalan.

“Nong nalaman namin ni Mariel na may sakit si ms Kris Aquino Hindi na kami bumitaw sa kanya at ganon din si ms Kris Aquino.

“Pinagluluto ni Mariel (Rodriguez, asawa niya) si Kris ng pagkain at kahit hirap si Kris sa intake ng solid na pagkain she makes sure na well appreciated ng buong pamilya niya si Mariel.

“We became more closer than ever Tumaas pa ang Antas ng aming mga pinag uusapan at pinagdidiskusyunan.

“Mas minulat pa namin ang isat isa sa realidad pulitika at buhay,” lahad ni Robin.
Patuloy niya, “Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit napakataas ng boto ko at kung paano ako nag number one.

“Walang nakakaalam na May boto rin ako galing sa kampo ng mga Aquino.

“Kalagitnaan ng campaign period Nag aalala si Kris sa survey ko Kinausap niya ako kung Ano ang campaign strategy ko, sabi ko conventional Lang ako dahil wala naman ako pera.

“Ang alas ko Lang talaga ay si PRRD, SBG at si Inday Sara Duterte, endorsement Lang ng tatlong ito umiikot ang aking pag asa na Manalo at siempre ang tulong ng taongbayan.

“Sabi ni Kris tutulungan niya ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya.

“Tinawagan niya mga matitinding Governor, LGU officials at mga matataas na Tao na may paggalang at Malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino.

“Hindi kailanman naging isyu sa kanya na Uniteam ako, nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot Lang niya ito ng basta pls help robin for me.

“Ngayon ay malinawan na rin ng mga naninira at inggit Kung bakit ako nakakuha ng napakataas na boto

“Bukod sa mine vote ni Mariel muslim vote marcos loyalist vote DDS vote katoliko vote Kingdom of Jesus Christ vote El shaddai vote at Iglesia ni Kristo vote Kris Aquino delivered the Aquino Vote for me.

“Maraming Maraming salamat ms Kris Aquino. Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin.

“Hinding hindi kami makakalimot Andito Lang palagi kami ni mariel Para sa iyo at kapag akoy nagkavisa sa US of A dadalawin ka namin at personal na magpasalamat sa iyo.

“Baraka Allahu Fik Allah Yashfeek,” ang pahayag ni Binoe.

https://bandera.inquirer.net/311105/catriona-gray-lumantad-na-ibinandera-ang-pagiging-kakampink-there-is-power-in-a-single-vote

https://bandera.inquirer.net/294965/kc-kay-sen-kiko-sa-2022-you-deserve-my-vote-and-the-vote-of-the-people

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/313115/frankie-pangilinan-sumugod-sa-kakampink-rally-sa-comelec-binanatan-si-bongbong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending