Enchong Dee lumipad pa-Davao para sa hearing ng kanyang P1 billion cyber libel case
USAP-USAPAN ngayon ang aktor na si Enchong Dee matapos kumalat ang larawan nito na makikita sa Hall of Justice ng Digos City, Davao del Sur nitong Huwebes, June 2.
Ang dahilan kung bakit ito lumipad pa-Davao ay para dumalo sa mediation hearing kasama ang kanyang abogado kaugnay ng P1 billion lawsuit na isinampa sa kanya ni DUMPER Partylist Rep. Claudine Bautista-Lim noong Nobyembre 2021.
Nag-ugat ang kaso matapos mag-trending ang magarbong kasal ni Rep. Claudine na ginanap sa Balesin sa kasagsagan ng pandemya kung saan samu’t saing mga netizens at maging ang mga celebrities ay hayagang nagbigay ng komento at isa na nga rito ang Kapamilya actor.
““Drivers and Commuters Rep who voted NO to ABS-CBN franchise got married in a Michael Cinco gown in a lavish peony-filled ceremony in Balesin in the middle of a pandemic. How ostentatious. May vaccination drive ba sya for drivers and commuters,” tweet ni Enchong noong Agosto 2021 na ngayon ay deleted na.
Matapos naman ang naging kontrobersyal niyyang tweet ay agad itong naglabas ng public apology at inaming naging “reckless” siya sa pagpo-post.
“I have been reckless in the tweet I posted and I take full responsibility for my lapse in judgement.
“With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist.
“I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause.
“I learned that as dutiful citizens, we must always fact-check our statements to avoid sensationalism and the spread of false news.
“I will take this opportunity to reflect on the wrong I have done and use this opportunity to better myself in being more discerning of my actions.”
Samantala, bukod sa pagdalo sa hearing ay makikitang nag-donate rin ang aktor ng dugo sa Cardinal Santos Medical Center base na rin sa post nito sa Instagram.
View this post on Instagram
Dumalaw rin ito sa SOS Children’s Village Davao at nakipagkulutan sa mga batang naninirahan sa naturang children’s village.
Related Chika:
Kris tuloy na ang pag-alis sa Pinas, mahigit 1 taon mawawala para magpagamot sa ibang bansa
Enchong tinuluyan sa kasong cyber libel; Agot, Pokwang, Ogie wala raw kasalanan
Enchong Dee kusang sumuko sa NBI para sa P1-B cyberlibel case
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.