Jason Abalos, Vickie Rushton engaged na: 'Patugtugin na ang kampana!' | Bandera

Jason Abalos, Vickie Rushton engaged na: ‘Patugtugin na ang kampana!’

Ervin Santiago |June 02,2022
facebook
share this

Jason Abalos, Vickie Rushton engaged na: ‘Patugtugin na ang kampana!’

Ervin Santiago - June 02, 2022 - 11:55 AM

CONFIRMED! Engaged na nga ang celebrity couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton.

Ibinandera ng magdyowa sa kani-kanilang social media accounts ang good news kalakip ang ilang litrato na kuha sa ginawang marriage proposal ng aktor.

Ngayong araw, June 2, excited na ibinahagi ng Kapuso actor sa kanyang Instagram page ang isang litrato nila ni Vicki kung saan makikita ang diamond engagement ring na ibinigay niya sa kanyang long-time girlfriend.

Sa IG account naman ni Vickie ipinost niya ang kanyang singsing na nasa buhanginan na may caption na, “So, Baba and I have been keeping a little secret.”

Sinundan pa niya ito ng isang Bible verse kung saan nakasaad ang mga katagang, “Isaiah 60: 22. ‘When the time is right I, the Lord, will make it happen.”

Base sa IG post ni Jason, noong September, 2021 pa naganap ang engagement nila ng kanyang future wife pero ngayon lang nila ito ipinaalam sa publiko.

View this post on Instagram

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)


“Habambuhay ko pasasalamat ang Panginoon sa buhay mo Baba. Patugtugin na ang kampana!” ang mensahe pa ni Jason kay Vickie.

Unang nagkakilala ang magdyowa noong 2010 sa Kapamilya Karavan event na ginanap sa Bacolod.
Matatandaang sinabi na ni Jason sa isang panayam na handa na siyang bumuo ng pamilya kasama si Vickie na noo’y nagdesisyon na ring tumigil sa kanyang pageantry journey.

Dating “Pinoy Big Brother”  housemate si Vickie at sumali sa Binibining Pilipinas pageant noong 2018 kung saan itinanghal siyan first runner-up.

View this post on Instagram

A post shared by Vickie Marie Rushton 🦋 (@vimrushton)


“Siguro nasa ano na kami ni Vickie, eh. Matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon, eh. Sabi ko, ‘O, tama na yan, hindi ka na pwede, tayo naman.’

“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro panahon na para bumuo naman kami ng pamilya,” pahayag ni Jason.

Vickie Rushton iniyakan ang pagtatapos ng pageant journey, laglag dahil sa edad

Hirit ni Jason Abalos kay Vickie Rushton: Panahon na para bumuo ng pamilya

Jason Hernandez kinumpirmang hiwalay na sila ni Moira dela Torre: I’m sorry for everyone I hurt…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending